kabanata 1

  Copy


More Options: Make a Folding Card




Storyboard Description

This storyboard does not have a description.

Storyboard Text

  • Umaga ng Disyembre ng maglayag ang Bapor Tabo o mas kilala sa tawag na daong ng pamahalaan dahil pinamunuanang mga Reverendos at Ilustrimos. Lulan nito sa kubyerta sina Don Custodio, Ben Zayb, Padre Irene, Padre Salvi, Padre Sibyla, Donya Victorina, Kapitan Heneral, Simoun at iba pang manlalakbay na may mataas na antas sa lipunan.
  • Donya Victorina: Kapitan bakit mabagal ang takbo at hindi tulinan?
  • kapitan: Pagkat baka tayo maglagos sa mga bukiring iyon, ginang.
  • Napag-usapan ang pagpapalalim ng ilog Pasig.
  • padre salvi: May Alam ka ba tungkol sa pantas ng agham? May isang tulay sa Puente del Capricho na hindi natapos dahil sa sinabi nilang mahina at marupok daw ito? Pero tingnan niyo buo parin ito hanggang ngayon kahit anong dumaan lindol at bagyo, hindi parin ito nabubuwag!
  • Padre camorra: Dapat hanapan nila ng paraan para palalimin ang ilog Pasig! Diba? Paranaman bumilis ang usad ng bapor at mga sasakyang pandagat
  • Mabilis na namagitan si Simoun na parang isang heneral upang imungkahi ang kanyang naisip na lunas.
  • Ben zayb: Isang panukalang Yankee!
  • Simoun: Hindi kailangan bayaran. Sapilitang paggawa ng buong bayan. Humukay ng tuwid na kanal na mag-uugnay sa lawa ng Laguna at sa look ng Maynila. Makatitipid ng lupa. Mapapadali ang paglalakbay. at maiiwasan ang pagtaas ng buhangin na babara sa ilog.
  • Don custodio: At ang salaping ibabayad sa manggagawa?
  • Nasindak si Don Custodio
  • Don custodio: Ngunit lilikha ng gulo ang ganyang mga hakbang.
  • Simoun: Naghimagsik ba ang mga taga-ehipto kahit minsan? Lumaban baang mga bilanggong Hudyo kay Tito? Akala ko’y may kaalaman kayo sa kasaysayan. Wag na kayong tumutol, Don Custodio, Sa ganyang paraan lamang maisasakatuparan angmahalagang proyekto nang walang kahit anong gastos. Sa ganitong sistema rin naitayo ang mgatanyag na istruktura sa iba’t ibang bansa.
  • Patuloy na nagkasagutan sina Don Custodio at Simoun.
  • Padre Sibyla: Ang mga indiyo ay minsan ng naghimagsik, nang obligahin silang magbuhat ng malalaking troso para sa paggawa ng isang barko.
  • Ben Zayb: Isang indiyong ingles.
  • Simoun: Ngunit lumipas na ang mga panahon na iyon.
  • Minungkahi ni Don Custodio na mag-alaga ng itik.
  • Don Custodio: Ang mga panukalang hindi isinasangguni sa mga taong matagal nang naninirahan dito sa Pilipinas ay hindi magdudulot ng maganda. Minumungkahi kong mag-alaga ng itik. Sisisirin nila ang suso at mapapalalim nila ang gulog-guluran ng buhangin.
  • Donya Victorina: Ngunit kung ang lahat ay mag-aalaga ng itik, darami ang balut. Nakakadiri!
More Storyboards By abalos
Explore Our Articles and Examples

Try Our Other Websites!

Photos for Class – Search for School-Safe, Creative Commons Photos (It Even Cites for You!)
Quick Rubric – Easily Make and Share Great-Looking Rubrics