ANG EPIKO NG SINAUNANG MALI

  Copy


More Options: Make a Folding Card




Storyboard Description

This storyboard does not have a description.

Storyboard Text

  • Maghan Sundiata, na tinatawag ring Mari Djata, anak siya ni Haring Maghan Kon Fatta ng Mali sa kaniyang ikalawang asawa, si Sogolon Kadjou. Isang mahiwagang mangangaso ang humula na ang kanilang anak na lalaki ay magiging isang makapangyarihang pinuno na makahihigit pa kay Dakilang Alexander, ang maalamat na Griyegong mananakop. Ilang tao lamang ang naniniwala sa propesiya sapagkat pitong taong gulang na si Mari Djata ay hindi pa nakalalakad. Tila walang katiyakang mapabilang siya sa mga pagpipiliang maging emperador.
  • Namatay si Haring Maghan Kon Fatta kaya’t hinirang ng kaniyang unang asawang si Sassouma Bérété ang sariling anak na si Dankaran Touma na tagapagmana ng trono ng ama. Madalas silang naninibugho kay Mari Djata at sa kaniyang ina, kaya’t ipinatapon niya ang mag-anak sa likod ng palasyo. Napilitan ang mga itong mamuhay na isang kahig isang tuka.
  • Natigagal si Sogolon. Hindi niya maisip na ang galit ay may puwersang napakalakas. Nilisan niya si Sassouma nang may bikig sa lalamunan.
  • Nabuhay si Sogolon Kedjou sampu ng kaniyang mga anak sa tira ng Inang Reyna, pinagyayaman niya ang maliit na halamanan sa likuran ng nayon. Sa taniman, nagagalak siya na pagmasdan ang mga tanim na ubas at gnougous. Isang araw, kinapos siya ng pampalasa at nagtungo sa Inang Reyna upang magmakaawa ng kaunting dahon ng baobab.
  • Pagkatapos ay nagsimula ang nakahihindik na patayan. Ang kababaihan at kabataan na nasa kalagitnaan ng pagtakas ay nagsumamo. Napadpad sina Sundiata at ang kaniyang kabalyeriya sa harap ng kamangha-manghang palasyo ni Soumaoro. Kahit natitiyak ni Noumounkeba na siya ay talunan, pangahas na itinaas niya ang espada at akmang uundayan si Sundiata, ngunit siya’y nalansi ng huli, nadakma’t malupit na pinihit ang kaniyang bisig, marahas na inginudngod sa sahig hanggang mailaglag niya ang espada. Hindi pinatay ni Sundiata si Noumounkeba bagkus ay inilagak sa kamay ni Manding Bory.
  • Sa wakas, nasa pagpapala na ni Djata ang reyno ni Soumaoro.Habang saanmang dako ng Sosso’y mauulinig ang pagbabangayan ng magkakanayon.Pinangunahan ni Balla Fasséké kasunod ni Sundiata ang pagpasok sa tore ni Soumaoro. Alam ng griot ang pasikot-sikot at kasulok-sulukan ng palasyo mula sa kaniyang alaala nang siya’y mabihag, itinuro niya kay Djata ang maharlikang silid-tulugan.Nang makalabas ang lahat, inatas ni Djata ang ganap na paggunaw sa Sosso. Sinunog ang mga kabahayan, walang itinira at ginamit ang mga preso sa pagtibag ng mga pader. Samakatuwid, ang balak ni Sundiatang wasakin ang pundasyon ng Sosso ay maningning na naisagawa.
  • Tama, ang Sosso ay naging alikabok at humalo sa lupa, ang matayog na lungsod ni Soumaoro na dating niyuyukuran ng mga hari. Ito ay naging nangungulilang parang, ang Sosso ay tahanan ngayon ng mga naliligaw na hayop. Gumulong ang panahon, patuloy ang pagbagtas ng buwan sa kalangitan. Sa kasalukuyan, ang Sosso ay isa na lamang balintataw sa panaginip ng mga griot. Ang mga hayna ay nananaghoy sa pook sa kailaliman ng gabi, ang mga usa’t liyebre naman ay naging silong ito sa paghahanap ng pagkain, nasaan na ang haring nakadamit ng roba na gawa sa balat ng tao? Tanging si Sundiata, anak ng magsasaka, ang naghandog ng kapanglawan sa pook. Matapos lamunin ng lupa ang lungsod ni Soumaoro, ang mundo’y walang ibang kinilalang panginoon kundi si… Sundiata.
More Storyboards By ayessabrazilpagmanoja
Explore Our Articles and Examples

Try Our Other Websites!

Photos for Class – Search for School-Safe, Creative Commons Photos! (It Even Cites for You!)
Quick Rubric – Easily Make and Share Great Looking Rubrics!