Nelson Mandela: Bayani ng Africa

  Copy


More Options: Make a Folding Card




Storyboard Description

This storyboard does not have a description.

Storyboard Text

  • Sa mga kapita-pitagan, kataas-taasang mga panauhin, mga kasama, at mga kaibigan… Ngayon, lahat tayong naririto ay pagkalooban nawa ng pagpapala at pag-asa sa kasisilang na kalayaan gayundin naman sa mga nagdiriwang sa iba pang bahagi ng mundo.
  • Mula sa mga karanasan ng di-pangkaraniwang kapahamakan ng tao na namayani nang matagal, isisilang ang lipunang ipagmamalaki ng sangkatauhan.
  • Sa bawat oras, bawat isa sa atin ay dadamhin ang lupang ito, mararamdaman natin ang pansariling pagbabago. Ang kalagayan ng bansa ay magbabago tulad ng panahon.
  • Ang espiritwal at pisikal na kaisahan na ating ibinabahagi sa lupaing ito ay nagpapaliwanag sa lalim ng sakit na dala-dala ng ating mga puso sa tuwing makikita natin ang ating bansa na unti-unting nalulugmok ng di pagkakasundo, at sa tuwing makikita natin ang pagtanggi, ang paglaban sa batas, at paghihiwalay ng mga tao sa mundo. Ito ay dahil sa naging pambansang batayan ang nakamamatay na ideolohiya at pagkakaroon ng rasismo.
  • Malugod naming tinatanggap ang tungkulin na ang aming mamamayan at ang kanilang kalayaang politikal, pananampalataya, kababaihan, kabataan, negosyo, tradisyunal, at mga pinuno na isagawa ang kongklusyong ito. Hindi mawawala riyan ang aking Second Deputy President, ang Kagalang-galang na si F. W. de Klerk.
  • Tayo, ang mga mamamayan ng Timog Africa, ay nakadama ng kapayakan nang ibinalik sa sangkatauhan ang pagkakaibigan. Tayo, na pinagkaitan ng batas kamakailan lang, ay binigyan ng bihirang pribilehiyong mamahala sa mga bansa sa sarili nating lupain.
More Storyboards By bhongniinhel
Explore Our Articles and Examples

Try Our Other Websites!

Photos for Class – Search for School-Safe, Creative Commons Photos! (It Even Cites for You!)
Quick Rubric – Easily Make and Share Great Looking Rubrics!