Unknown Story

  Copy


More Options: Make a Folding Card




Storyboard Description

This storyboard does not have a description.

Storyboard Text

  • Kayo po’y isang taong mahal sa akin, kayo’y ipinalalagay ng lahat, matangi sa akin, na patay na at ang mga kasawian sa buhay ay madalas kong ikinalulungkot.
  • Sino ako sa palagay mo?
  • Basilio, ika’y naghahawak ng isang lihim na maaring magpangayaya sa akin, at ngayo’y natuklasan mo pa ang isa na kung mabubunyag ay ikasisira ng aking mga balak. Gayunman, hindi ko marahil pagsisihan na ika’y di ko patayin. Gaya ko rin ay may dapat kang ipakipagtuos sa lipunan. Ikaw at ako ay uhaw sa katarungan Dapat tayong magtulungan.
  • Pauwi na sana si Basilio nang may marinig siyang mga yabag at liwanag na palapit. Sa kabila ng puno tumigil ang dumating. Nakilala ito ni Basilio-ang mag-aalahas nang mag-alis ito ng salamin. Nangsimulang maghukay si Simoun sa tulong ng isang asarol. Ito ang taong tumulong sa paglilibing sa kanyang ina at sa pagsunog sa isa pang lalaking doon namatay. Nag-isip si Basilio. Sino sa dalawang lalaking ito ang namatay o ang buhay na nagbubuhay Simoun- ang si Ibarra?
  • Ako si Crisostomo Ibarra...
  • Napakita na kay Simoun si Basilio at nag handog ng pagtulong bilang ganti satulong na ipanagkaloob nito ay 13 taon na ang nakalilipas. Tinitutukan ni Simoun ng baril si Basilio. Tinangka niyang patayin si Basilio dahil alam nito ang kaniyang sikreto.
  • Ang kastila ay isang wikang magbubuklod-buklod sa mga pulo ng Pilipinas.
  • Ang kastila kailanman ay di magiging wikang pangkalahatan sa bayang ito ; sapagka’t sa mga kulubot ng kanyang isip at sa pintig ng kanyang puso ay wala ang mga akmang pananalita sa wikang iyan.
  • Lumapit si Simoun kay Basilio, at ito'y kinausap. Sinabi ni Simoun na dapat ay patayin na niya si Basilio upang iligtas ang kanyang layunin.
  • Kayo'y nakalilimot na habang ang isang bayan ay may sariling wika, mapananatili rin nito ang kaniyang paglaya. Ang wika ay isang pag-iisip ng bayan.
  • Inamin ni Simoun na siya nga si Ibarra. Isinalaysay nito ang pagkakapaglibot sa buong daigdig upang magpakayaman. Nagbalik upang ibagsak ang pamahalaang marumi sukdang ipagdanak ng dugo. Siya raw ay sadyang nagpapalala sa pag-iimbot at pagmamalabis ng taong pamahalaan at simbahan upang gisingin ang damdamin ng bayan sa paghihimagsik.
  • Sinuwatan niya sina Basilio at mga kasamahan na nagbabalak magtayo ng paaralan ng Wikang Kastila. Ito raw ay magbibigay daan sa Pilipinas sa pagiging bayang walang kalayaan at pati kapintasan ay hiram dahil sa pagpipilit manghiram ng wika. Ibig raw nina Basilio na matulad ang Pilipinas sa mga bansang magugulo sa Timog Amerika.
  • Iilan lamang ang nakakapagsalita ng kastila. Nawalan sila ng kakayahan at nag paalipin. Tinuligsa niya ang mga pangkat na nais matuto ng wikang ito, pati narin ang mga taong ikinahihiya ang sariling wika. Inanyaya ni Simoun si Basilio na sumanib sa kaniyang plano na maghimagsik laban sa pamamahala ng kastila. Hindi pumayag si Basilio ay iniwan si Simoun.
Just Created with Storyboard That
Explore Our Articles and Examples

Try Our Other Websites!

Photos for Class – Search for School-Safe, Creative Commons Photos! (It Even Cites for You!)
Quick Rubric – Easily Make and Share Great Looking Rubrics!