Kahapon, Ngayon at Bukas 2

  Copy


More Options: Make a Folding Card




Storyboard Description

This storyboard does not have a description.

Storyboard Text

  • Mabuhay si Asalhayop! Mabuhay!
  • Mahusay manalumpati ang ating ina, ang mangangaway.
  • Sumpain nawa ni Bathala ang hindi magsisi sa paglapastangan sa araw na ito! Ito ngang tunay na araw ng kamatayan ng mga tagapagtanggol ng bayan. Ito ang araw ng pagkalugso ng ating kahambal-hambal sa Balintawak. Sumpain nawa ni Bathala ang hindi magsisi!Taos sa puso ko yaring sumpa, at sa katunayan ay… ayan!
  • Asalhayop, paglapastangan mo sa akin ay nahulog sa Apo, sa kamay ni Mandagaran, ang taksil mong kaluluwa. At kayong mga nakianib sa kanya, kayong mga anak kong pinakamamahal, ay nangahawa na mandin sa kanyang sawing palad. Dinudusta ninyo sa libingan ang dangal ng inyong mga nuno.
  • Mga anak ko, mga bunsong pinakaiibig, kayo’y nangaliligaw. Panumbalikin ninyo ang inyong mga loob, pagsisihan ninyo ang paglapastangan sa akin at sa dakilang araw ng pagkalugso ng bayan. Kapag nilimot ninyo ang araw na ito ay lilimutin din ninyo ang libingang luksa ng inyong mga magulang. Kayo’y nangabulag na lubos. Buksan ninyo ang inyong mga mata.
  • Oh! Yayamang nilapastangan ninyo ang araw na ito at ang mga libingang iyan; yayamang dinudusta ninyo ang daklilang pangalan ng inyong mga nuno; yayamang inilublob ninyo sa pusali ng kapalamarahan ang banal na kasulatan ng ating maharlikang lipi, ay ipagpatuloy na ninyo ang inyong baliw na kasayahan, 3 colors ipagpatuloy na ninyo, mga bunsong ginigiliw, nguni’t pakiusap ko lamang, na doon sa ibabaw nila, sa ibabaw ng mga libingang iyan, ay doon kayo mag-inuman ng alak, doon kayo magsayawan at mag-awitan, doon ninyo sambilatin at yurakan iyang mga laksang sabit, doon ninyo huwag tugutang libakin ang inyong sariling dangal.
  • Mga bunsong pinakamamahal! Paalam ako sa inyo! Paalam ako sa inyo!
More Storyboards By chennymaecuyos
Explore Our Articles and Examples

Try Our Other Websites!

Photos for Class – Search for School-Safe, Creative Commons Photos! (It Even Cites for You!)
Quick Rubric – Easily Make and Share Great Looking Rubrics!