PA (part1)

  Copy


More Options: Make a Folding Card




Storyboard Description

FILIPINO PT

Storyboard Text

  • “Hindi ko naman napapabayaan ang pag-aaral ko, ‘La"
  • “At sa inyo pa talaga ako ikinumpara! Eh mas mahirap naman mga lessons namin kaysa sa inyo! Pusang gala! Class A ako at nakikipag-kompetensya sa mga ka-lebel ng utak ko! Naging top lang kayo sa class section na Class B at C. Anak ng pusang gala! Matalino na yun?”
  • "Veronica?!” “Ayan na nga ba ang sinasabi ko! Ultimo sa pakikipag-usap, nawawala ka na sa pokus. Sinasabi ko sa’yo, Veronica. Wala pa sa mga kapatid mo ang nasira ang pag-aaral at huwag mong subukang manguna!”
  • “Oo na, ‘La. Aayusin ko na. Pasensya na po kung nagagawa kong isabay ang pagbabasa ng pocket book habang nagkaklase”
  • “Hmp! Isa pa yang hindi mo pag-uwi ng class card mo! Bakit? Itinatago mo ang mga grado mong bagsak? Pumupurol na kasi yang utak mo kakabasa ng walang kwentang libro. Nagsasayang ka pa ng kwarta!”
  • Tahimik na tinanggap ni Veronica ang mga pangaral ng kanyang lola kahit na gusto nang sumabog ng dibdib niya sa pagpipigil ng masagot ang matanda.
  • “Laaaaaa! Wala akong bagsak! Hindi ko inuuwi kasi sa school pa lang napipirmahan na ni Papa! ‘La naman! Teacher po du’n ang anak niyo! Common sense naman, ‘La!”
  • “Aba’t sumasagot ka na ngayon!”
  • Parang tinarakan ang dibdib niya sa kawalan ng atensyon sa kanya ng tatay niyang hindi kumikibo sa panggigisa ng lola niya sa kanya at kasalukuyang kinakausap ang kanyang tiyo. Nahagip naman ng kanyang mga mata ang dalawa niyang pinsan na bakas ang yabang sa mga mukha.
  • “Paaaa! Sabihin niyo kasi na wala akong bagsak! Na maayos akong nag-aaral!”
  • “Iuwi mo na lang ngayong semester"
  • Paboritong apo si Veronica kaya't maraming nakalatag na mga bagay na inaasahan sa kanya na dapat niyang maabot kahit ayaw niya.
  • "Oo na!"
  • “Pwede naman palang iuwi e! Ipakita mo at nang maniwala kaming nag-aaral ka pa ngang mabuti!”
  • “Nawawalan ka na rin ng modo!”
More Storyboards By christycanete
Explore Our Articles and Examples

Try Our Other Websites!

Photos for Class – Search for School-Safe, Creative Commons Photos! (It Even Cites for You!)
Quick Rubric – Easily Make and Share Great Looking Rubrics!