Hele ng Ina sa kaniyang Panganay

  Copy


More Options: Make a Folding Card




Storyboard Description

This storyboard does not have a description.

Storyboard Text

  • Aking giliw, ngalan ng mandirigma sayo ilalaan, at mamumuno sa kalalakihan. At ika'y hahalikan sa yapak ng mga ka apo apohan, kahit pa malaon nang naparam sa sanlibutan. Ngunit lagi kong maaalala ang pag kapit mo sa akin, maging ang pag himlay mo sa aking dibdib, at ang pagsulyap sulyap mo sa akin. Kapag ika'y itinanghal na gererong marangal, ako'y malulunod sa luha ng pag gunita.
  • Munting mandirigma, paano ka namin pangangalanan?, masdan ang pagbubuskala sa pag kakakilanlan. Hindi hamak na ngalan sa iyo'y ibibigay, hindi ka rin ipapangangalan sa iyong amang si Nawal sapagkat ika'y panganay. Higit kang pag papalain ng poon at ang iyong kawan. Ikaw ba'y tatawaging "hibang" o "kapusugan?". Ikaw ba'y tatawaging waring dumi ng baka na "anak ng kamalasan?". Ang poo'y di marapat na pagnakawan, Sa iyo'y wala silang masamang, ika'y kanilang pinaliguan at dinamitan ng kagandahan.
  • Ika'y biniyayaan ng mga matang naglalagablab. At ang pambihirang pangunguot ng iyong kilay, ay hindi ba palatandaan na ika'y maingat nilang pinanday?, yaman ni Zeus at Aphrodite sa iyo'y kanilang inalay. At ang katalinuhang nangungusap sa iyong mga mata,maging sa iyong halakhak, paano ka pangangalanan, aking inakay ?, ikaw ba'y lahi na iyong lahi o naiibang nilalang?
  • Munting mangdirigma sinong anito sa iyo'y nananahan ?, kaninong mapag palang kamay ang sa aking dibdib dumantay?, sinong yumuyungyong sa iyo't nag papasigla ng buhay ?, ikaw ba'y kanlong ng kapayapaan ngunit. Ika'y leopardong nasa palumpong at tumatanaw, hayaang sa araw na iyong ibubuyangyang aking supling ngayon ako'y nasa kalulwahatian, ngayo'y ako'y ganap na asawa hindi na isang nobya kundi isang ina. Maging maringal aking supling na ninanasa, maging mapag malaki kaparis ng aking pag mamalaki, ika'y mag bunyi kaparis ng aking pag bubunyi, ika'y irugin kaparis ng pagliyag na king nadarama.
  • Anak,na ibinunga ng pag-ibig ng matipunong kabiyak sa wakas akoy kahati ng kaniyang puso,ina ng kanyang unang anak Ang kaniyang kaluluwa'y ligtas sa iyong pag-iingat akingt supling,ako,ako na sadyang sa iyo'y humulma
  • Samakatuwid ,ako'y minahal Samakatuwid,ako'y lumigaya Samakatuwid, ako'y kapilas ng buhay Samakatuwid,ako'y nagtamasa ng dangal
Just Created with Storyboard That
Explore Our Articles and Examples

Try Our Other Websites!

Photos for Class – Search for School-Safe, Creative Commons Photos! (It Even Cites for You!)
Quick Rubric – Easily Make and Share Great Looking Rubrics!