ANG KUWINTAS

  Copy


More Options: Make a Folding Card




Storyboard Description

This storyboard does not have a description.

Storyboard Text

  • Mahal, akala  ko’y ikatutuwa mo ang pagkakakuha ko sa paanyaya.
  • Siya’y isa sa magaganda’t mapanghalinang babae na sa pagkakamali ng tadhana ay isinilang sa angkan ng mga tagasulat. Pumayag siyang pakasal sa isang abang tagasulat sa Kagawaran ng Instruksyon Publiko sapagkat walang paraan upang siya’y makilala, panuyuan, bigyan ng dote, at pakasalan ng isang mayaman at tanyag na lalaki.
  • Ibibigay ko sa iyo ang apat na raang prangko. Bumili ka ng isang bestidong maganda
  • Wala akong damit na maisusuot, ibigay mo nalang sa iba ang imbitasyon
  • Labis ang kaniyang pagdurusa at paghihinagpis dahil may paniniwala siyang isinilang siya sa daigdig upang magtamasa ng lubos na kaligayahan sa buhay na maidudulot ng salapi. May taglay siyang alindog na hindi nababagay sa kasalukuyan niyang kalagayan. Ipinaghihinagpis niya ang karukhaan ng kaniyang lumang tahanan, ang nakaaawang anyo ng mga dingding, ang mga kurtinang sa paningin niya ay napakapangit.
  •  anong nangyayari sa iyo? Tatlong araw nang kakaiba ang kilos mo
  • Wala man lang akong maisusuot na alahas. Magmumukha akong kawawa
  • Isang gabi’y masayang dumating ang kaniyang asawa. Buong pagmamalaking iniabot sa kaniya ang hawak na malaking sobre. Kaagad niyang inabot ang sobre at nagmamadaling pinunit ang dulo nito. Sa halip na matuwa na siyang inaasahan ng lalaki ay padabog na inihagis ng kaniyang asawa sa ibabaw ng mesa ang paanyaya. Bumubulong na sinabing ano ang gagawin niya rito.
  • Nagulumihanang napahinto ang lalaki nang makita niyang umiiyak ang asawa. Naitanong niya kung ano ang nangyayari rito. Natigilan sumandali ang lalaki at bahagyang namutla sapagkat ang natitipon niyang gayong halaga ay ipambibili niya ng isang baril na pang-ibon. Binabalak niyang mamaril ng ibon sa Kapatagan ng Nanterre sa darating na tag-araw. Sasama siya sa ilang kaibigang dati nang namamaril ng mga ibon doon.
  • Malapit na ang araw ng sayawan ngunit waring malungkot si Mathilde, hindi siya mapalagay at tila may suliraning gumugulo sa isipan. Nakahanda na ang bestidong kaniyang gagamitin. Napansin ito ng lalaki at isang gabi’y inusisa ang asawa. 
  • Nagtungo kinabukasan sa kaibigan si Mahtilde. Ipinagtapat niya rito ang kaniyang problema. Tinungo ni Madame Forestier ang taguan ng kaniyang mga hiyas at kinuha mula rito ang isang kahon. Binuksan ang kahon at pinamili ang kaibigan, may napansin siyang isang kahong nababalot ng itim  na satin, nasa loob nito ang isang kuwintas na diyamante na lubhang kahanga-hanga.
More Storyboards By erickha
Explore Our Articles and Examples

Try Our Other Websites!

Photos for Class – Search for School-Safe, Creative Commons Photos! (It Even Cites for You!)
Quick Rubric – Easily Make and Share Great Looking Rubrics!