ANG KUWINTAS

  Copy


More Options: Make a Folding Card




Storyboard Description

This storyboard does not have a description.

Storyboard Text

  • NAWAWAWALA ANG KUWINTAS!!!!
  • Sumapit ang inaasam niyang araw ng sayawan. Nagtamo ng malaking tagumpay si Madame Loisel. Nahigitan niya ang lahat ng mga babae sa ganda, sa rangya,  at sa pagiging kahali-halina kaya palagi siyang nakangiti dahil sa nag-uumapaw sa puso ang kaligayahan. Napako sa kaniya ang paningin ng kalalakihan at gumawa sila ng paraan upang makilala si Mathilde.
  • Mag-iikaapat na ng madaling araw nang silang mag-asawa ay umuwi. Pagkahatid sa kanila ng matandang dokar sa kanilang tinitirhan ay malungkot silang umakyat sa hagdanan. Hinubad ng babae sa harap ng salamin ang kaniyang balabal upang minsan pang malasin ang kaniyang kagandahan. Napasigaw siya nang malakas.
  • Hinanap ng mag-asawa ang kuwintas sa kung saan-saan, sa mga lupi ng damit ni Mathilde, sa mga lupi ng kaniyang pangginaw, sa mga bulsa at sa iba pang lugar. Hindi nila natagpuan ang kuwintas.
  • Pinuntahan ng mag-asawa ang lahat ng mga maghihiyas upang  makakita ang katulad ng nawawalang kuwintas. Nakatagpo sila sa isang tindahan sa Palais Royal ng isang tuhog ng diyamanteng sa palagay nila ay katulad ng kanilang pinaghahanap na kuwintas. Nagkakahalaga ito ng apatnapung libong prangko, ngunit ibibigay na sa kanila sa halagang tatlumpu’t anim na libo. 
  • Nang matipon nang lahat ang halagang kinakailangan ay tinungo ni M. Loisel ang tindahan ng kuwintas at ibinagsak sa mesang bilangan ng may-ari ng tindahan ng mga hiyas ang tatlumpu’t anim na libong prangko. Malamig ang pagtanggap ni Madame Forestier kay Mathilde nang isauli niya ang kuwintas
  • Isang araw ng Linggo, samantalang si Mathilde ay naglalakad, nagliliwaliw naman siya pagkatapos ng isang linggong singkad ng mga gawain sa bahay ay namataan niya ang isang babaing may akay-akay na bata. Ang babae’y si Madame Forestier, Nakangiti niyang sinalubong ang kaibigan at binati. Labis na nagtaka si Madame Forestier. Hindi siya nakilala nito at pinagtakhan ang palagay sa loob na pagbati sa kaniya ng isang maralitang babae. 
More Storyboards By erickha
Explore Our Articles and Examples

Try Our Other Websites!

Photos for Class – Search for School-Safe, Creative Commons Photos! (It Even Cites for You!)
Quick Rubric – Easily Make and Share Great Looking Rubrics!