basilio

basilio
  Copy


More Options: Make a Folding Card




Storyboard Description

This storyboard does not have a description.

Storyboard Text

  • Ano nga ba ang naisakatuparan kong pagkakasala upang pagmalupitan ako ng buhay? Ang pagkawala ng aing kapatid at butihing ina... Napakasakit! Saan na ako tutungo ngayon?
  • Maraming Salamat po, Kapitan Tiyago! Makakaasa po kayo sa aking tapat na paglilingkod at magsusunog po ako ng aking kilay sa aking pag-aaral.
  • Lumuwas si Basilio sa Maynila upang hanapin ang kaniyang kapalaran sa pamamagitan ng pagpapaalila upang makapag-aral.
  • Walang anuman, Basilio. Ipapatala ko ang iyong pangalan sa San Juan de Letran.
  • Labis ang pasasalamat ni Basilio kay Kapitan Tiyago ngunit sa kabilang banda ay tila punyal na nakagagalos ng kaniyang puso ang diskriminasyong kaniyang naranasan sa paaralan.
  • Hangin lamang ata ako sa klaseng ito. Paano nga ba naman mapapansin ang isang Indio na tulad ko?
  • Kahit nasaktan sa kawalan ng pagkakapantay-pantay si Basilio, sinikap niya pa ring magsikap sa pag-aaral. Inaaral niya nang tama ang kaniyang liksyon at unti-unti rin siyang napansin ng kaniyang propesor. Bago na rin ang kaniyang mga damit!
  • Mabuti at isa ako sa mga nakapasa sa pagsusulit! Kasabay pa nito, napapansin na rin ako ng guro!
  • Nakilala si Basilio matapos lumaban sa isang alitan at hamunan sa labanang gagamitan ng sable at baston. Dito, nagtamo siya ng markang sobresaliente. Inilipat din siya ni Kapitan Tiyago sa Ateneo Municipal matapos makitaan ng sigasig sa pag-aaral.
  • Ibang-iba ang kaniyang bagong paaralan kumpara sa una. Humanga siya sa pagtuturo at pagmamalasakit ng mga guro roon. Pinili niya rin ang medisina upang pag-aralan at siya'y nag-ibayo upang makapagtapos at ngayo'y...
  • Huling taon ko na, sa wakas!!! Dalawang buwan na lamang at isa na akong ganap na doktor. Mapapakasalan ko na rin si Juli. Hindi na ako makapaghintay pa!
More Storyboards By glaiszxc
Explore Our Articles and Examples

Try Our Other Websites!

Photos for Class – Search for School-Safe, Creative Commons Photos (It Even Cites for You!)
Quick Rubric – Easily Make and Share Great-Looking Rubrics
abcBABYart – Create Custom Nursery Art