Unknown Story

  Copy


More Options: Make a Folding Card




Storyboard Description

This storyboard does not have a description.

Storyboard Text

  • Nalaman ni Mathilde na peke ang kwintas na pinaghirapan niya at ng kanyang asawa ng sampung taon. Bakas ang kalungkutan sa kanyang mukha matapos malaman ang masamang balita.
  • Dahil sa bugso ng damdamin, ninais na bawiin ni Mathilde kay Madame Forestier ang kwintas at bahagya nyang nasigawan ito. Si Madame Forestier, na nagulat sa inasal niya ay nainis. Nagkasagutan silang dalawa nang biglang may dumaan na nakapukaw sa kanilang pansin.
  • Napansin ni Mathilde at Madame Forestier ang isang pamilyar na kwintas na suot ng babaeng dumaan. Agad silang tumigil sa pagtatalo at kinausap ito. Tinanong nila kung saan nabili ng babae ang kwintas na suot niya ngunit umiling ito at sinabing binigay lamang ito sa kanya ng kanyang asawang nagmamaneho ng sasakyan.
  • Ipapalarawan sana ni Mathilde ang asawa ng babae sa pag-asang ito ang kanilang sinakyan noon at marahil na nakapulot ng pekeng kwintas na kanyang naiwala nang gabing dumalo siya sa isang kasiyahan, nang biglang dumating sa pag-uusap nila ang isa pang pamilyar na lalaking kanya nang nakita noon... ang drayber na sinakyan nilang mag-asawa, sampung taon na ang nakalilipas.
  • Mukha namang namukhaan ng drayber si Mathilde kung kaya't siya na mismo ang nagsauli ng kwintas na nawala nito, sampung taon na ang nakalilipas. Paano niya ito natandaan? Matagal niya kasing hinanap si Mathilde upang maibalik ang kwintas subalit hindi sya nagtagumpay kaya ipinahiram niya muna ito sa asawa habang umaasang makakasalubong nito ang may-ari at maibabalik ang kwintas. Labis ang galak at pasasalamat niya sa drayber.
  • Sinabi naman ni Madame Forestier na ibabalik na lamang niya ang tunay na diyamanteng kwintas kay Mathilde kapalit ang pekeng kwintas na ibinalik na ng drayber. Si Mathilde na ang pinakamasaya sa buong mundo matapos muling makuha ang sampung taong pinaghirapan. Ibinenta nya ito at ginamit ang napagbentahan sa negosyo nilang mag-asawa.
More Storyboards By glaiszxc
Explore Our Articles and Examples

Try Our Other Websites!

Photos for Class – Search for School-Safe, Creative Commons Photos! (It Even Cites for You!)
Quick Rubric – Easily Make and Share Great Looking Rubrics!