Catechesis

Catechesis
  Copy


More Options: Make a Folding Card




Storyboard Description

This storyboard does not have a description.

Storyboard Text

  • Apat na buwan pa lamang ng maalala ni Jeng na ang papa niya ay umalis upang magtrabaho sa ibang bansa, nakasanayan niyang nasa ibang bansa ito ng hindi bababa sa anim na buwan. Habang sila ay nasa sala...
  • Ma, bakit nandito na kaagad si papa.. Eh diba dapat three months pa bago siya dapat bumalik?
  • Ah anak... Oo totoo yang sinabi mo, Jeng kailangan mong malaman ito... anak natanggal sa trabaho ang iyong ama sa ibang bansa. Pinagiinitan kasi siya ng kanyang amo doon. Isa pa anak baka dahil sa nangyaring ito ay lilipat ka muna sa public school.
  • Hah?! Totoo po ba yan? hala grabe naman po pala sitwasyon ni papa doon ma. Pero ma paano naman po yung mga kaibigan ko tapos baka hindi ko po kayanin sa public, kase baka po mabully ako doon.
  • Anak sana maintindihan mo ang sitwasyon natin ngayon. Kung makakahanap naman ng trabaho ang iyong ama ay babalik kang muli sa private school. Kakayanin mo anak kung gusto mo at kung gugustuhin mo.
  • Masaya naman siya, dahil umilkli ang paghihintay niya para sa kanyang ama. Naiintindihan din niya na iba na ang kanilang sitwasyon ngayon. Malaki mang hakbang sa kanya ang paglipat sa ibang paaralan at ito ay pampubliko pa kung saan hindi siya sanay at hindi niya gamay. Pero kailangan at ito ang nararapat, kung magmamatigas siya ay pano na lang ang kinabukasan niya... Kaya habang siya ay nasa kwarto, siya ay nagdasal...
  • Dear Papa God, Alam ko pong kaya niyo po binigay sa amin ito kasi alam niyo pong kaya namin... At alam ko rin pong hinding hindi niyo po kami papabayaan sa habang nilulutas namin itong problema na ito, I love you po! Amen.
  • Kinabukasan... Araw ng Linggo ngayon kaya ang mag-anak ay nagsimba kasama pa ang lolo, lola, tito at tita ni Jeng... Hindi na ito bago sa kanilang pamilya. Nabalitaan na rin nila ang nangyari sa papa niya, nalungkot sila ngunit, pag-asa pa rin ang namayani.
Explore Our Articles and Examples

Try Our Other Websites!

Photos for Class – Search for School-Safe, Creative Commons Photos (It Even Cites for You!)
Quick Rubric – Easily Make and Share Great-Looking Rubrics
abcBABYart – Create Custom Nursery Art