Mullah Nassreddin

  Copy


More Options: Make a Folding Card




Storyboard Description

This storyboard does not have a description.

Storyboard Text

  • Si Mullah Nassreddin na kilala bilang Mullah Nassr-e Din (MND) ang pinakamahusay sa pagkukwento ng katatawanan sa kanilang bansa. Libo-libong kuwento ng katatawanan ang naimbag niya sa kanilang lipunan. Tinagurian siyang alamat ng sining sa pagkukwento dahil sa mapagbiro at puno ng katatawanang estilo sa pagsulat.
  • Naimbitihan si Mullah Nassreddin upang magbigay ng isang talumpati sa harap ng maraming tao. Sa pagsisimula niya, nagtanong siya, "Alam ba ninyo ang aking sasabihin?" Sumagot ang nakikinig, "Hindi," Kung kaya't kaniyang sinabi "Wala akong panahong magsalita sa mga taong hindi alam ang aking sasabihin," at siya ay umalis. Napahiya ang mga tao.
  • Inanyayahan siyang muli upang magsalita kinabukasan. Nang muli niyang tanungin ang mga tao ng katulad na katanungan ay sumagot sila ng "Oo," sumagot si Mullah Nassreddin "Kung alam na pala ninyo ang aking sasabihin, hindi ko na sasayangin ang maraming ninyong oras," muli siyang umalis. Ang mga tao ay nalito at nataranta sa kaniya.
  • Sinubukan muli na anyahyahan si Mullah Nassreddin upang magbigay ng pahayag at muli siyang nagtanong, "Alam ba ninyo ang aking sasabihin?" Handa ang mga tao sa kanilang isasagot ang kalahati ay nagsabi ng "Hindi," at ang kalahati ay sumagot ng "Oo," kung kaya't muling nagsalita si Mullah Nassreddin "Ang kalahati ay alam ang aking sasabihin, kaya't kayo ang magsasabi sa kalahati na di alam ang aking sasabihin," at siya ay lumisan.
More Storyboards By jhoiiichristine
Explore Our Articles and Examples

Try Our Other Websites!

Photos for Class – Search for School-Safe, Creative Commons Photos! (It Even Cites for You!)
Quick Rubric – Easily Make and Share Great Looking Rubrics!