Filipino

  Copy


More Options: Make a Folding Card




Storyboard Description

This storyboard does not have a description.

Storyboard Text

  • Bunsong anak si Adrian sa tatlongmagkakapatid. Siya lamang ang naiba angpropesyon dahil kapwa abogado ang dalawangnakatatanda sa kaniya. Dahil may kaya sa buhayang pamilya, natupad ang pangarap niyang maging isang doktor.
  • Matagumpay niyang natapos ang pagdodoktor at hindi nagtagal aynakapagtrabaho sa isang malaking ospital. Ngunit sadya yatang itinadhanana matapos ang dalawang taon mula nang siyang maging ganap na doktor,pumanaw ang kaniyang pinakamamahal na ina. Naiwan sa kaniya angpangangalaga ng ama na noon ay may sakit na ring iniinda.
  • Malimit siyang mapag-isa sa tuwing nabibigyan ng pagkakataongmakapagpahinga dulot na rin ng hindi niya maiwan-iwanan na ama. Naisinman niyang magtrabaho at manirahan sa ibang bansa katulad ng kaniyangmga kapatid, ang katotohanang may nakaatang na responsibilidad sakaniyang balikat ang pumipigil sa kaniyang mangibang-bayan upang manatilisa piling ng ama at alagaan ito hanggang sa kahuli-hulihang yugto ngkaniyang buhay.
  • Bahay. Ospital. Bahay. Ospital. Paulit-ulit na takbo ng buhay napakiramdam ni Adrian ay matatapos lamang kapag tuluyan nang mawala angkaniyang ama. Nais niyang makawala sa responsibilidad at magkaroonng panahon para sa sarili.“Daddy, patawad po. Nais ko lamang na lumigaya sa buhay. Nasakatanghalian na po ako ng buhay ko. Ayaw ko pong mag-isa balang arawkapag kayo’y nawala.”Dahan-dahan niyang binuhat ang ama na halos hindi namakapaglakad nang maayos. Pinasan niya ang ama at isinakay sa kaniyangkotse. Walang imik na sumama ang ama.Naglakbay sila nang halos isang oras.
  • Tinunton nila angdaan papasok sa isang kagubatan. Mabigat ang ama kaya paminsan-minsanay tumititigil sila sa lilim ng puno upang magpahinga. Wala pa ring imik ang ama habang binabali ang maliliit na sanga. Napansin niyang tumutulo ang luha ng anak.“Bakit ka umiiyak?” tanong ng ama kay Adrian.“Wala po, Dad.”Nagpatuloy sa paglalakad si Adrian na pasan-pasan ang ama. Patuloy rin ang pagtulo ng kaniyang luha. Alam niyang labag sa kaniyang kalooban ang kaniyang gagawin.
  • Maraming beses din silang tumigil upang magpahingaat paulit-ulit din ang pagbabali ng ama ng maliliit na sanga ng puno. Napansinito ni Adrian.“Bakit n’yo po binabali ang mga sanga ng puno sa tuwing tayo’ynagpapahinga, Dad?,” tanong ni Adrian.Tumugon ang ama na may ngiting namutawi sa kaniyang labi.“Alam ko nais mo akong iligaw sa loob ng kagubatan. Anak,palatandaan ito na dito tayo dumaan, para sa pagbalik mo ay hindi kamaliligaw.”Lalong bumilis ang pag-agos ng luha ng binata. Walang kaimik-imik,muling pinasan ni Adrian ang ama at natagpuan ang sariling bumabalik salugar kung saan sila nanggaling.Alam ni Adrian na hindi na siya maliligaw. Hinding-hindi na.
More Storyboards By joneljohnramos
Explore Our Articles and Examples

Try Our Other Websites!

Photos for Class – Search for School-Safe, Creative Commons Photos! (It Even Cites for You!)
Quick Rubric – Easily Make and Share Great Looking Rubrics!