yieeee........

  Copy


More Options: Make a Folding Card




Storyboard Description

This storyboard does not have a description.

Storyboard Text

  • Maghan Sundiata, na tinatawag ring Mari Djata, anak siya ni Haring Maghan Kon Fatta ng Mali sa kaniyang ikalawang asawa, si Sogolon Kadjou. Isang mahiwagang mangangaso ang humula na ang kanilang anak na lalaki ay magiging isang makapangyarihang pinuno na makahihigit pa kay Dakilang Alexander, ang maalamat na Griyegong mananakop. Ilang tao lamang ang naniniwala sa propesiya sapagkat pitong taong gulang na si Mari Djata ay hindi pa nakalalakad. Tila walang katiyakang mapabilang siya sa mga pagpipiliang maging emperador.
  • Namatay si Haring Maghan Kon Fatta kaya’t hinirang ng  kaniyang unang asawang si Sassouma Bérété ang sariling anak na si Dankaran Touma na tagapagmana ng trono ng ama. Madalas silang naninibugho kay Mari Djata at sa kaniyang ina, kaya’t ipinatapon niya ang mag-anak sa likod ng palasyo. Napilitan ang mga itong mamuhay na isang kahig isang tuka.
  • Si Sogolon ay napapalibutan ngayon ng mataas na paggalang; sa mga umpukan madalas na inihahambing ang kayumian ni Sogolon sa kapalalua’t masamang hangarin ni Sassouma Barété sapagkat ang una’y isang huwarang asawa at ina kayat dininig ng Panginoon ang kaniyang panalangin, pinananaligang kung higit na lumalalim ang pagmamahal at paggalang sa kabiyak at ang pagsasakripisiyo para sa anak ay magiging magiting at matapang ang kanilang anak pagsapit ng tamang panahon.
  • Bata pa lamang si Sundiata ay naging mahusay ng mangangaso. Naging matalik niyang kaibigan si Manding Bory, ang anak ng kaniyang ama sa ikatlong asawa. Nang mabigo ang balak na pag-utas kay Djata nina Sassouma at Dankaran, ipinatapon nila ang mag-anak. Ang bayani sampu ng kadugo ay nakahanap ng kanlungan sa kaharian ng Mema.
  • Ang kababaihan at kabataan na nasa kalagitnaan ng pagtakas ay nagsumamo. Napadpad sina Sundiata at ang kaniyang kabalyeriya sa harap ng kamangha-manghang palasyo ni Soumaoro. Kahit natitiyak ni Noumounkeba na siya ay talunan, pangahas na itinaas niya ang espada at akmang uundayan si Sundiata, ngunit siya’y nalansi ng huli, nadakma’t malupit na pinihit ang kaniyang bisig, marahas na inginudngod sa sahig hanggang mailaglag niya ang espada. Hindi pinatay ni Sundiata si Noumounkeba bagkus ay inilagak sa kamay ni Manding Bory.
  • Gumulong ang panahon, patuloy ang pagbagtas ng buwan sa kalangitan. Sa kasalukuyan, ang Sosso ay isa na lamang balintataw sa panaginip ng mga griot. Ang mga hayna ay nananaghoy sa pook sa kailaliman ng gabi, ang mga usa’t liyebre naman ay naging silong ito sa paghahanap ng pagkain, nasaan na ang haring nakadamit ng roba na gawa sa balat ng tao? Tanging si Sundiata, anak ng magsasaka, ang naghandog ng kapanglawan sa pook. Matapos lamunin ng lupa ang lungsod ni Soumaoro, ang mundo’y walang ibang kinilalang panginoon kundi si… Sundiata.
More Storyboards By kathnielpadilla
Explore Our Articles and Examples

Try Our Other Websites!

Photos for Class – Search for School-Safe, Creative Commons Photos! (It Even Cites for You!)
Quick Rubric – Easily Make and Share Great Looking Rubrics!