Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay

  Copy


More Options: Make a Folding Card




Storyboard Description

This storyboard does not have a description.

Storyboard Text

  • Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay
  • Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay
  • Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay
  • Mangusap ka,aking sanggol na isinisinta.Mangusap ka sa iyong namamimilog at nagniningning na mga mata,Wangis ng mata ng bisirong-toro ni Lupeyo.Mangusap ka,aking musmos na supling.Ang iyong mga kamay na humahaplos sa akin.na puno ng tibay at tatag bagaman yari'y munsik.Magiging kamay ito ng mandirigma,aking anak.Kamay na magpapasaya sa iyong Ama.
  • Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay
  • Aking giliw,ngalan ng mandirigma sa'yo ilalaan,at mamumuno sa kalalakihan.At ika'y hahalikan sa yapak ng mga kaapo-apohan,Kahit pa malaon nang naparam sa sanlibutan.Ngunit lagi kong maaalala ang pagkapit mo sa akin,Maging ang paghimlay mo sa aking dibdib,At ang pagsulyap-sulyap sa akin.Kapag ika'y itinanghal na generong marangal,Ako'y malulunod sa luha ng paggunita.
  • Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay
  • Munting mandirigma,paano ka namin pangangalanan?Masdan ang pagbubuskala sa pagpagkakakilanlan.Hindi ka rin ipapangangalan sa iyong amang si Nawal sapagkat ika'y panganay.Ika'y biniyaan ng mga matang naglalagablab.At ang pambihirang pangungunot ng iyong kilay Ay hindi ba palantandaan na ika'y maiangat nilang pinanday?Yaman ni Zeus at Aphrodite sa iyo'y kanilang inalay At ang katalinuhang nangungusap sa iyong mga mata,Maging sa iyong halakhak.
  • Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay
  • Munting mandirigma,sinong anito sa iyo'y nananahan?Kaninong mapagpalang kamay ang sa'aking dibdib dumadantay?Sinong yumuyungyong sa iyo't nagpapsigla ng buhay?Ikaw ba'y kanlong ng kapayapaan?Ngunit ika'y tila leopardong nasa palumpong at tumatanaw.Hayaan,sa araw na yao'y iyong ibubuyangyang.Aking supling,ngayon ako'y nasa kaluwalhatian.Ngayon,ako'y ganap na asawa.Hindi na isang nobya.kundi isang ina.
  • Maging maringal,aking supling na ninanasa.Maging mapagmalaki kaparis ng aking pagbubunyi.Ika'y irugin kaparis ng pagliyag na aking nadarama.Anak,na ibinunga ng pag-ibig ng matipunong kabiyak.Sa wakas,ako'y kahati ng kaniyang puso,ina ng kaniyang unang anak,Ang kaniyang kaluluwa'y ligtas sa iyong pag-iingat,Aking supling,ako,ako na sadyang sa iyo'y humulma.Samakatuwid ako'y minahal,Samakatuwid ako'y lumigaya,Samakatuwud ako'y kapilas ng buhay ,Samakatuwid ako'y nagtamasa ng dangal.
  • Iingatan mo ang kaniyang libingan kung siya'y nahimlay.Tuwinang gugunitain yaring kaniyang palayaw.Aking supling,mananatili siya sa iyong panambitan,Walang wakas sa kaniya'y daratal mula sa pagsibol ng 'yong kabataan.Ikaw ang kaniyang kalasag at sibat,pag-asa't kaligtasan sa hukay.Sa iyo,siya'y muling mabubuhay tulad ng suwi sa kalupaan .At ako ina ng kaniyang panganay .Ika'y mahimbing,supling ng leon,nyongeza't nyumba.Ika'y mahimbing,Ako'y wala nang mahihiling.
More Storyboards By lulukim
Explore Our Articles and Examples

Try Our Other Websites!

Photos for Class – Search for School-Safe, Creative Commons Photos! (It Even Cites for You!)
Quick Rubric – Easily Make and Share Great Looking Rubrics!