Dugo at Utak (first batch)

  Copy


More Options: Make a Folding Card




Storyboard Description

This storyboard does not have a description.

Storyboard Text

  • Dugo at Utak
  • ni Cornelio Reyes
  • Dalawang linggo nang hindi lumalapit ang bapor-kable Apo sa lupa. Dalawang linggo nang si Korbo at ng kanyang mga kasama ay namamahay sa ilalim ng kubyerta.
  • Apo
  • Dalawampu sila at ang kanilang mga bisig, katawan at hita ay masakit na't halos pumutok dahil sa walang hintong pagtutol sa hapo. Ang kanilang mga baga ay halos napupunit sa walang humpay na paghingi ng hangin at hanging waring walang kasapatan. Ang kanilang mga kamay na mahigpit na ikinakapit sa kable ay maga sa dugo ng maraming sugat na ulit-ulit na hinihiwa ng mga talaba sa balat ng kable.
  • Pagkatapos ng turno ni Korbo ay sabik na minalas niya ang parisukat na piraso ng langit na nakikita mula sa siwang sa kubyerta. Ang kaluluwa niyang isang pintor ay uhaw na umiinom sa piraso ng langit na yaon na siyang tanging kagandahan sa dilim ng libingan ng ikiran.
  • Dalawang linggong nasa dilim. Natatakot ako na baka hindi na marunong gumuhit ang aking kamay. Natatakot akong nalimot ko na ang kulay at damdam ng kalikasan.
  • Sa wakas ay dumaong din ang bapor-kable Apo.
  • Iyan po ay hubog sa lantay na ginto. Hindi mahal.
  • At sa isang tindahan, nakuha ng kanyang pansin ang isang kuwintas na may palawitin na isang maliit at mahiwagang Bathala na di niya kilala.
  • Alang-alang sa kakatuwang ugali ng inyong asawa, sa kalahati lamang ng talagang halaga‘y ibibigay ko na sa inyo.
  • Magkano po? Kung may sapat lamang akong ibabayad.
  • Kasasabikan po iyan ni Karelia, ang aking asawa dahil mahilig siyang magtipon ng maliliit na ikit ng iba’t ibang Bathala.
More Storyboards By marymejuliet
Explore Our Articles and Examples

Try Our Other Websites!

Photos for Class – Search for School-Safe, Creative Commons Photos! (It Even Cites for You!)
Quick Rubric – Easily Make and Share Great Looking Rubrics!