FIL

  Copy


More Options: Make a Folding Card




Storyboard Description

Ang Kalupi

Storyboard Text

  • Mataas na ang araw nang lumabas si Aling Marta sa bakuran ng kanilang maliit na barung-barong upang mamalengke. Nang dumating siya sa panggitnang pasilyo at umakmang hahakbang na papasok ay siyang paglabas na humahangos ng isang batang lalaki, na sa kanilang pagbabangga ay muntik, na niyang ikabuwal.
  • Agad siyang tumalikod at tuloy-tuloy na pumasok at agad ding bumili,pagkaraan ay dumukot sa bulsa ng kanyang bulsa upang magbayad. Saglit na nangulimlim ang kanyang mukha at ang ngiti sa maninipis niyang labi ay nawala.
  • Nanatili siya sa pagkakatayo nang ilang saglit,mayamaya ay parang kidlat na gumuhit sa kanyang alaala ang gusgusing batang kanyang nakabangga.Dali-dali siyang tumalikod at patakbong lumabas.
  • Agad na nakita ni Aling Marta ang batang may dalang bangus. Nakatayo ito sa harap ng isang tindahan ng kangkong at sa malas niya ay tumatawad. Hindi siya maaari magkamali: ang kamiseta nito at ang malaking short na ari’y salawal ding ginagamit ng kanyang ama, ay sapat nang palatandaan upang ito ay madaling makilala. At ang hawak nitong bangos na tigbebente.
  • Dinala ni Aling Marta ang bata sa  pulis at sinumbong sa ginawa nitong pagnakaw sa kanya. Tiningnan ng matagal ng mga pulis ang bata at kinapkapan ngunit walang nakita na kalupi sa kanya. 
  • Nagpupumiglas ang bata sa mahigpit na pagkakahawak sa kaniya ni Aling Marta at nang mabitiwan siya ay agad syang humanap ng malulusutan at walang lingun lingung tumakbo patungong kabilang kalsada at sa hindi inaasahang pangyayari, nabangga ito ng isang humaharurot na sasakyan.
  • Nang dumating siya sa kanila, sinalubong siya ng tanong ng kaniyang asawa at anak. Nabigla si Aling Marta nang sabihin ng kaniyang asawa na nakaligtaan niya ang pitaka. Muling gumuhit sa isipin ni Aling Marta ang kaawa-awang bata at nakaramdam siya ng panghihilo at bigla na lamang siyang nawalan ng malay.
More Storyboards By melroettefaithmadrazo
Explore Our Articles and Examples

Try Our Other Websites!

Photos for Class – Search for School-Safe, Creative Commons Photos! (It Even Cites for You!)
Quick Rubric – Easily Make and Share Great Looking Rubrics!