Ang Kwento ni Mabuti

  Copy


More Options: Make a Folding Card




Storyboard Description

This storyboard does not have a description.

Storyboard Text

  • Siya'y tinatawag naming lahat na si Mabuti kung siya'y nakatalikod. Ang salitang iyon ang bukambibig niya. Iyon ang pumapalit sa mga salitang hindi niya maalala kung minsan, at nagiging pamuno sa mga sandali ng pag-aalanganin.
  • "Mabuti," ang sasabihin niya, "…ngayo'y magsisimula tayo sa araling ito. Mabuti nama't umabot tayo sa araling ito. Mabuti nama't umabot tayo sa bahaging ito. Mabuti…mabuti…!"
  • Noo'y magtatakipsilim na at maliban sa pabugso-bugsong hiyawan ng mga nagsisipanood sa pagsasanay ng mga manlalaro ng paaralan, ang buong paligid ay tahimik na. Sa isang tagomg sulok ng silid-aklatan, pinilit kong lutasin ang aking suliranin sa pagluha. Doon niya ako natagpuan.
  • Tinanganan niya ang aking mga kamay at narinig ko na lamang ang tinig ko sa pagtatapat ng suliraning sa palagay ko noo'y siya nang pinakamabigat. Nakinig siya sa akin, at ngayon, sa paglingon ko sa pangyayaring iyo'y nagtataka ako kung paanong napigil niya ang paghalakhak sa gayong kamusmos na bagay. Nguni siya'y nakinig nang buong pagkaunawa, at alam kong ang pagmamalasakit niya'y tunay na matapat.
  • nalaman naming ang tungkol sa kaarawan ng kanyang anak. At ibig ng guro naming maging manggagamot ang kanyang anak,Nasa bahaging iyon ang pagsasalita ng aming guro nang ang isa sa mga batng lalaki sa aking likuran ay bumulong: "Gaya ng kanyang ama!"Iyon an una at huling pagbanggit sa aming klase tungkol sa ama ng batang may-kaarawan.
  • At ngayon, ilang araw lamang ang nakararaan buhat nang mabalitaan ko ang tungkol sa pagpanaw ng manggagamot na iyon.Habang unti-unting bumabalik ang dating kulay sa kanyang mukha, muli niyang ipinamalas sa amin ang mga natatagong kagandahan sa aralin naming sa Panitikan: ang kariktan ng katapangan, ang kariktan ng pagpapatuloy ano man ang kulay ng Buhay.
Just Created with Storyboard That
Explore Our Articles and Examples

Try Our Other Websites!

Photos for Class – Search for School-Safe, Creative Commons Photos! (It Even Cites for You!)
Quick Rubric – Easily Make and Share Great Looking Rubrics!