Ang Nawawalang Prinsesa

  Copy


More Options: Make a Folding Card




Storyboard Description

This storyboard does not have a description.

Storyboard Text

  • Nawawala ang prinsesa gabi-gabi ngunit, walang makapagsabi kung saan siya pumupunta.
  • Nagpabalita na ang hari na..
  • Ang sinumang makapagtuturo kung saan tumitigil ang aking anak tuwing hating-gabi ay bibigyan ko ng kalahati ng kaharian at, kung binata, ay ipakakasal sa prinsesa.
  • Marami ang nagtangkang makipagsapalaran hindi lamang dahil sa kayamanang matatamo kundi dahil sa napakaganda raw ng prinsesa. Ang lahat ng mga ito ay nabigo. Wala pa ring makapagsabi kung bakit nawawala ang prinsesa sa hating-gabi.
  • Ngunit, kapag nabigo ang nagprisintang magbabantay, pupugutan siya ng ulo.
  • Sa kalagitnaan ng gubat na malapit sa palasyo, may isang dampang tinitirhan ng isang matandang mangkukulam. Isang araw ay dinalaw ang matanda ng binatang napamahal sa kanya dahil madalas siyang tulungan nito.
  • Maganda pong talaga ang prinsesa kaya tulungan po ninyong magtagumpay ako sa kanya.
  • Bibigyan kita ng isang balabal na kapag iyong isinampay sa mga balikat mo ay hindi ka makikita ninuman.
  • Binindisyunan siya ng matanda at pinagbilinang magpakaingat bago siya nagpaalam.
  • May iniabot sa kanyang isang basong inumin na noong makatalikod ang prinsesa ay kanyang itinapon sa isang masitera ng halaman. Naluoy agad ang mga dahon ng halaman. Nagkunwaring natutulog, ang binata sanhi ng tinunggang inumin.
  • Nang gabi ring iyon, nasa labas na nga siya ng silid ng prinsesa at handang magbantay.
  • Nang maramdaman niyang lumabas sa silid ang prinsesa, isinoot niya ang mahikang balabal at sinundan niya ito. May dinaraanan palang tagong pintuan ito na palabas sa palasyo.
  • Nagtuloy sa isang malayong gubat ang karwahe. Sa gitna ng mga kahuyan huminto ito at bumaba ang prinsesa. Nakipag sayaw siya sa mga gitanong nagkakaipon doon at nagsasaya.
  • Nilapitan niya ang prinsesa at sila’y nagsayaw. Nagsayaw sila nang nagsayaw hanggang mapagod ang dalaga at halos mabutas ang mga suwelas ng sapatos.
  • Sa likod ng isang puno, tinanggal ng binata ang kanyang balabal at naglagay ng maskara.
  • Muling isinoot ng binata ang balabal nang paalis na ang karwahe at sila’y bumalik sa palasyo.
  • Ipinatawag ng hari ang prinsesa at hindi naman ito makatanggi sa ama ng makita ang katunayan. Balak pa sana ng prinsesa na umayaw na maging asawa ang binata, ngunit nang ilagay nito ang maskara, nakilala niya ang kasayaw na kinagiliwan nang nagdaang gabi.
  • Masasabi mo ba kung bakit nawawala ang prinsesa sa hating-gabi?
  • Opo, Mahal na Hari! Nakikipagsayaw po siya sa mga gitano sa gubat gabi-gabi. Ito po ang katunayan-itong halos warak nang sapatos na kinuha ko sa kanyang pinagtapunan matapos na makasayaw siya.
  • Tumugtog ang banda at masuyong niyaya ng binata na magsayaw sila ng prinsesa na masaya namang yumakap sa kanya.
Just Created with Storyboard That
Explore Our Articles and Examples

Try Our Other Websites!

Photos for Class – Search for School-Safe, Creative Commons Photos! (It Even Cites for You!)
Quick Rubric – Easily Make and Share Great Looking Rubrics!