Pagkatunog ng kampana ng paaralan, ay ipinasa na ang mga test paper at umuwi na ang mga estudyante. Umuwi si Raquel na nasiyahan sa kanyang mga sagot sa exam, habang umuwi si Kristina may pag-alala sapagkat ni-isang tanong sa exam, ay hindi niya alam ang sagot. Labis siyang nagsisi sa ginawa niya kahapon sapagkat hindi lang siya hindi nakapag-aral para sa exam, nawalan din siya ng nag-iisang tunay na kaibigan.
Sa nakalipas na linggo, ay ibinalik na ang mga test paper na may kasamang marka. Labis na natuwa si Raquel dahil nakakuha siya ng perpektong marka, talagang nagbunga ang kanyang pagsisikap. Ngunit hindi ganoon ang nakuhang marka ni Kristina. Kagaya nina Jonel, Nicole, at Marisol, ay bagsak na marka ang kanilang nakuha. Miserable si Kristina sapagkat unang beses pa lang ito nangyari sa kanya. Labis niyang pinagsisihan na hindi siya nakinig kay Raquel noong nakaraang linggo.
Tinanggalan ng scholarship si Kristina sa dahilan na mababa ang marka na kanyang nakuha sa exam. Simula noong araw na ‘yun, ay nawalan na ng motibasyon si Kristina at hindi na nagsikap na makakuha ng mataas na marka upang mabawi ang scholarship. Nawalan siya ng gana sa buhay at napapadalas na rin ang pagsama niya nina Jonel, Nicole, at Marisol sa kung saan-saan. Nawalan na ng tino si Kristina at napapabayaan na niya ang kanyang pag-aaral.
Nag-aalala na rin ang mga guro ni Kristina sa kanyang nakakapanibagong asal na ipinakita at pinapayuhan na huwag sumuko sapagkat mayroon pang pag-asa. Ngunit hindi nakikinig si Kristina at binalewala lang ang mga payo ng mga guro. Malaki ang pinagbago ni Kristina simula noong gabi na iyon.
Lumipas ang ilang taon ay nagbunga ang pagsisikap ni Raquel sa mga nakaraang taon, dahil matagumpay na nakapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo si Raquel bilang Cum Laude. Masaya siya at nagpapasalamat sa Panginoon dahil narating niya ang punto ng kanyang buhay na nais niyang makamit noon. Isang paruparo ang dumapo sa kanyang palad at naisip niya na kahit hindi niya kasama ang kanyang ina sa masayang araw na ito, ay alam niyang masaya ito para sa kanya.
Masaya man si Raquel sa araw na ito, ngunit nakakaramdam siya ng panghihinayang para kay Kristina sapagkat hindi siya nakapasa kasama sina Jonel, Nicole, at Marisol. Naawa siya sa pinagdaanan ni Kristina, kung hindi lang nangyari ang gabing iyon ay baka kasama na niya itong nakapagtapos ng kolehiyo.
Kung maibabalik lang sana ang panahon…
Vytvořeno přes 40 milionů storyboardů
K Vyzkoušení Není Potřeba Žádné Stahování, Žádná Kreditní Karta a Žádné Přihlášení!