Vyhledávání

Unknown Story

Zkopírujte tento scénář
Unknown Story

Storyboard Text

  • Noong unang panahon, may isang bayan na pinamumunuan ng isang sakim at mapagmataas na hari. Si Haring Barabas ay kinatatakutan ng kanyang mga sinasakupan ngunit palihim din nila itong kinamumuhian. Walang ibang alam gawin ang hari kundi ang mag-utos at pagalitan ang kanyang mga alipin. Ang mga utos pa man din nito ay imposibleng gawin at hindi makatwiran. Ang hari ay mahilig kumain, matulog at mag-aksaya ng kayamanan niya.
  • " PATAWAD PO KAMAHALAN, NGUNIT SINUYOD NA PO NAMIN ANG BUONG KARAGATAN, YAN NA LAMANG PO ANG AMING NAKAYANAN."
  • "Sinabi ko sa inyo na kulang ang mga inaani niyo!"
  • " parang awa niyo na po, ito na lang talaga ang naani ng aking asawa."
  • "Napakasakim ng ating hari, wala siyang pakialam sa atin. Naghihirap na tayo! Nagugutom na ang bawat isa."
  • Nagkaroon ng matinding taghirap sa kanyang kaharian. Hindi maganda ang naging ani ng mga magsasaka at naging mahina ang benta ng mga mangangalakal. Ang lahat sa kaharian ay inutusang magtipid upang maka-alpas sa taghirap na kanilang nararanasan.
  • " Nagkakasakit na ang aking anak dahil kami'y wala ng makain pa."
  • "ARGHHH! Hindi ba't sinabi ko sa inyo na kulang na kulang pa iyan para sa akin. GRRR!"
  • Ang lahat ng tao ay nagtitipid maliban sa mismong hari na si Barabas, hindi siya sumusunod sa kanyang utos. Walang pakialam na naghihirap ang mga taong kanyang nasasakupan, patuloy siya sa paglustay ng kanyang kayamanan sa mga walang kwentang mga bagay. Habang ang lahat ng tao ay nagtitipid at minsan lang sa isang araw kung kumain, ang hari ay parang piyesta kung magpaluto sa kanyang mga alipinn, masaklap pa dun ay siya lamang ang kakain ng mga pinaluto niya. Maski sobra ang mga pagkain ay hindi niya niyayaya ang kanyang mga kasambahay o ang mga taombayan na saluhan siyang kumain. Ang mga hindi maubos ay hinahayaan lang niya hanggang sa tuluyan na itong masira at hindi na pwedeng makain.
  • "Patawad po Haring Barabas ngunit ito na lamang po talaga ang aming nakayanan."
  • "Umalis ka nga sa aking harapan, hindi mo ba naamoy ang iyong sarili? Napakabaho mo! Lumayas ka! Nakakawala ng ganang kumain ang iyong amoy!"
  • Isang araw habang nagpipiyesta ang hari sa harapan ng kanyang palasyo ay may lumapit na isang matandang pulubi. Humingi ng limos ang pulubi maski pagkain na lamang pantawid sa kanyang gutom ngunit hindi pinansin ng hari ang matanda. Sa halip, pinagtabuyan pa niya ito. Nawawalan daw siya ng ganang kumain dahil sa mabahong amoy ng pulubi.
  • "Mahal na hari, parang awa niyo na po. Gutom na gutom na po talaga ako, sana'y tulungan niyo Po ak--.'
  • "Ako'y nagmamakaawa sa iyo, patawarin mo ako. Parang awa mo na, pinagsisisihan ko n-"
  • "Napakasakim mo talaga, wala kang puso! Isinusumpa ko na habang buhay mo itong pagsisihan at habambuhay mo rin itong paghihirapan! Hindi ka na natuto pa!"
  • Nagalit ang pulubi at sinabi sa hari na dahil sa kasakiman nito ay bibigyan niya ito ng isang leksiyong hindi niya makakalimutan. Hindi pa natatapos magsalita ang matanda ay biglang kumulog at kumidlat. Ang hari ay unti-unting nagbago ng anyo. Nagsisigaw itong humihingi ng tawad sa matanda ngunit huli na ang lahat. Biglang naglaho ang matanda habang ang hari ay naging isang ganap na halaman.
  • " Halika iho! Ang bungang ito ay ang ala-ala ng haring sakim sa kayamanan. hmm, napakasarap ng bunga, ano kaya ang pwede nating itawag rito?"
  • " Magmula ngayon tawagin natin itong bayabas, hango sa pangalan ng haring sakim!"
  • " Ina, ano po ang bunga na iyon?
  • Nakita ng taumbayan ang lahat ng pangyayari at ng lapitan ang halaman ay may nakita silang bunga nito. Ito ay bilugan at may koronang nakapatong. Ito na nga ang kanilang hari na si Barabas na dahil sa kasakiman ay naging isang halaman. Mula noon tinawag nila ang halaman na bayabas mula sa pangalan ni Haring Barabas.
Vytvořeno přes 40 milionů storyboardů
K Vyzkoušení Není Potřeba Žádné Stahování, Žádná Kreditní Karta a Žádné Přihlášení!
Storyboard That Family