Vyhledávání

Unknown Story

Zkopírujte tento scénář
Unknown Story

Storyboard Text

  • Alamat ng Bulaklak ngMirasol (Sunflower)
  •  Noong unang panahon, may masayang pamilyang nakatira sa Baryo Sol. Ang mag-asawang sina Aling Rosa at Mang Tomas ay may nagiisang anak na ang pangalan ay Mira. Mapagmahal na anak, matatag, puno ng pag-asa at masayahin syang bata.
  • Mira anak, maganda ang panahon ngayon, tiyak na marami tayong maaani na mga pananim .
  • Opo inay, nakakatuwa nga po at marami tayong mabebenta sa bayan. 
  • Marami na tayong maiipon anak para sa pag-aaral mo.
  • Kahapon lang, ang ganda ng panahon, bakit biglang bumabagyo na?
  • Paano na ang mga pananim natin? Masisira na lahat.
  • Gaganda rin po ang panahon bukas, Inay, Itay.  Wag po kayo magalala.
  • Nagkasakit si Aling Rosa sa sobrang pag-aalala sa kanilang pananim. Ilang araw na hindi tumitigil ang bagyo.
  • Paano na ang ating mga tanim? Walang tigil ang bagyo.
  • Mira anak, pasensya na at nagastos natin ang ipon natin sa pagpapagamot ko imbis sa pag-aaral mo.
  • Wag po kayong magalala inay at itay, gagawin ko po ang lahat para sa inyo. Mas maraming po kayong sakripisyo na ginawa para sakin.
  • Pinilit lumabas ni Mira para matingnan ang tanim nila. Gusto niya ayusin pa ito kahit masama ang panahon.
  • Naku! Ang mga tanim namin! Lalong malulungkot sina inay at itay kapag nakita nila eto.
  • Habang pilit na inaayos niya ang mga tanim, lalong lumakas ang hangin at siya ay tinangay ng napakalaking buhawi.
  • Inay! Itay! AHHHHHHHHHH!!!!!
  • Isang araw.....Isang linggo....Hanggang isang buwan na hind pa rin mahanap ni Aling Rosa at Mang Tomas si Mira.
  • Anak! Nasaan ka na!
  • Mira! Anak! 
  • Isang taon ng lumipas, habang nagtatanim sina Aling Rosa at Mang Tomas, meron silang nakita na kakaibang halaman.
  • Bakit kaya hindi natin pangalanan na"Mira" ang bulaklak na ito?
  • Ano kaya ito?
  • Gawin natin kaya na "Mirasol" para maalala pa rin siya ng mga taga Baryo Sol. Magtanim pa tayo ng madami.
  •  Napakaganda na bulaklak. Naaalala ko tuloy si Mira.
  • Nagtanim sila ng madaming Mirasol para laging nila maalala si Mira. Dito nagumpisa na dumami ang bulaklak ng Mirasol.
Vytvořeno přes 40 milionů storyboardů
K Vyzkoušení Není Potřeba Žádné Stahování, Žádná Kreditní Karta a Žádné Přihlášení!
Storyboard That Family