Anak, sa pagkakaalam ko ay malapit ka na makatapos ng hayskul, ah. Anong balak mo sa kolehiyo?
Kukuha po ako ng kursong psychology, ma.
Psychology? Balak mo magdoctor o  maglaw, anak?
Magdoctor, ma. Gusto ko tulungan yung mga taong nahihirapan at nadedepressed kasi marami na rin ang mga kaedad ko ang nagpapakamatay dahil dito.
Doctor? hindi ba't matagal ang proseso bago maging doctor?
Opo, ma. Sa kaso ko ay aabutin ng walo hanggang labindalawang taon bago magkaroon ng PhD ang dulo ng aking pangalan
Isang araw, ang mag-ina ay nagkaroon ng oras para pag-usapan ang balak ng anak para sa kolehiyo nito.
Walo hanggang labindalawang taon? Wala bang mas maikli dyan? Para sana makapagtrabaho ka na rin agad
Ma, madali lang yun lalo na't alam kong magiging masaya ako roon dahil andoon ang interes ko. Atsaka, mataas ang magiging sahod roon, ma, kaya mababawi rin natin agad ang magiging gastos. Babawi ako sa inyo nila papa 'pag dating noon
Matagal nang ninanais ng anak na maging isang Clinical Psychologist. Isa sa dahilan kung bakit gusto nito maging Clinical Psychologist, nakita nya dati ang isang kaibigan na may hiwa sa kanyang pulso.
O sige, kung saan ka masaya anak. Andito lang kami para suportahan ka sa gusto mo
Salamat, ma. Kapag naging doctor na ako, magpapatayo ako ng sarili kong clinic dito sa lugar natin para di na ako malayo sa inyo. Iispoil ko rin kayo nila papa.
Sa isip ng anak, okay lang sa kanya ang matagal na proseso basta't alam nyang matutupad nya ang kanyang pangarap kung saan magiging maganda ang kanyang buhay.
Kung ganoon ay nasasabik na ako magkaroon ng anak na doctor.
Okay, hintay tayo ilang taon.
Bukod sa kaibigan nya, nasubukan nya na rin hiwain ang kanyang pulso sa hindi malamang dahilan. Alam nya sa sarili na sa mga oras na iyon ay depressed sya at gusto nya matulungan ang mga katulad nya at naiintindihan nya.
Mataas din ang magiging sweldo nito kaya alam nyang matutupad nya ang pangako nya sa sarili nya na babawi sya sa kanyang mga magulang kapag nakatapos na sya.
Sa kwentong ito, ipinapakitang ang panahon ay hindi balakid sa pagtupad ng pangarap natin lalo na't masaya tayo sa ating ginagawa. Hindi mahalaga kung gaano katagal ang aabutin, ang mahalaga ay ang mararating natin.
Vytvořeno přes 40 milionů storyboardů
K Vyzkoušení Není Potřeba Žádné Stahování, Žádná Kreditní Karta a Žádné Přihlášení!