Ang Gitarista Storyboard o 63ee128b
Vyhledávání

Ang Gitarista

Zkopírujte tento scénář
Ang Gitarista

Storyboard Text

  • Si Mika ay isang mahusay na gitarista. Palagi siyang nananalo sa mga iba't ibang paligsahan at magaling din ito umawit. Madalas din itong maimbitahan na tumugtog sa iba't ibang okasyon.
  • Maaari ko bang mahiram ang iyong gitara? Tingnan natin kung kaya kong pantayan ang iyong galing!
  • Ang galing mo tumugtog, bata!
  • Maraming salamat po!
  • Nung isang gabi, siya ay galing sa isang okasyon, ang kaarawan ng kaniyang kaibigan. Gabi na nakauwi ang dalaga. Napakatahimik ng daan at tanging tunog ng mga insekto at hangin na lamang ang maririnig. Ngunit si Mika ay isang matatakutin na dalaga. Inilabas niya ang kaniyang gitara at tumugtog habang naglalakad para mabawasan ang nararamdamang takot nito.
  • Nadaanan ni Mika ang Tugitan St. kung saan maraming nagsasabi na may mga kababalaghan daw sa lugar na iyon. Naanino niya and isang lalaking pigura na nakatayo sa gilid ng puno, tila ba para itong istatwa marahil hindi ito gumagalaw. Nilakasan ni Mika ang tugtog para mapawi ang kaniyang takot. 
  • Totoo? Narinig mo sana akong tumugtog noong ako'y nabubuhay pa!
  • Kahanga-hanga! Ngayon lamang ako nakarinig ng ganiyan kagandang tugtog!
  • Nagulat ito ng ilang segundo nang magsalita ang lalaki, napalitan din agad ng saya dahil ang kaniyang talento ay napuri muli. Lumapit ito ng kaunti sa lalaki ngunit masiyadong madilim ang paligid kaya't hindi nito maaninag ang kaniyang mukha.
  • Marunong din po kayo? Sige po! Gusto ko marinig ang iyong tugtog!
  • Ibinigay ni Mika ang kaniyang gitara sa lalaki, bago ito nag simulang tumugtog. Tumindig ang balahibo ng dalaga sa 'di malaman na dahilan nang tumabi ito sakaniya. Hindi nalang niya 'yun pinansin at tinuon ang atensyon sa tugtog ng lalaki.
  • Nang tumugtog ang lalaki, ang tono nito ay mahina at banayad, pero habang tumatagal pabilis ito ng pabilis. Halos kumawala ang puso ni Mika sa sinabi ng lalaki dahil sa takot at gulat. Lumunok ito ng mariin at umatras nang biglang nawala ang lalaki sa harap niya at ang gitara ay nakalapag na sa sahig.
  • a-ano po?...
Vytvořeno přes 40 milionů storyboardů
K Vyzkoušení Není Potřeba Žádné Stahování, Žádná Kreditní Karta a Žádné Přihlášení!
Storyboard That Family