Nakakatawa kasi yung kalaro ko,muntik nang umiyak kaninang naglalaro.
Ano bang ginawa ninyo?Bakit muntik na siyang umiyak?
Kasi kanina nakikipagbiruan sakaniya yung kuya niya kasama ako. Tinago namin yung laruan niya tapos muntik pa nga akong mabuking kaya tinuro ko dun sa bahay nila. Hanap siya ng hanap kung nasaan na yung laruan. Tapos yun, muntik nang umiyak.
Gusto ko lang namang makipaglaro. HIndi ko naman gustong umiyak siya.
Naiintindihan ko na gusto niyo lang na makipagbiruan pero,hindi niyo ba naisip na hindi yun ang tama? Una,tinago niyo yung laruan kahit alam ninyong hahanapin niya yun. Pangalawa,nagsinungaling kayo,kahit hindi niya kayo tinanong mismo kung nasaan ang laruan hindi kayo nagsabi na tinago niyo yun o hindi man lang kayo umamin sa ginawa ninyo.
Dapat talaga akong humingi ng tawad.
Bunso, walang masama sa pakikipagbiruan. Nagiging masama ito kapag may nasasaktan ka na mapa pisikal,menta, o emosyonal man. Hindi tamang hindi ka nagsabi ng totoo alam mo namang mali yun. Ang kasinungalingan ay hindi magbubunga ng kagandahan. Ngayon na napag-isip-isip mo na ang ginawa mo,ano ang dapat mo nang gawin?
Maliit na bagay. Sige na at baka hindi pa siya tumatahan.
Ngayon naiintindihan ko na ang mga ginawa ko. Salamat po sa mga payo mo.
Huwag ka na pong mag-alala ayos na po yun. Naibalik na o sakin ni kuya ang laruan ko. salamat din sa pagsasabi ng totoo.
Sorry sa ginawa namin sayo kanina. Gusto ko lang na makipaglaro sayo peroalam kko na sumubra na kami pangako hindi na namin uulitin yun.Alam ko na ngayon na ang biruan ay may limitasyon din. Sorry.
Vytvořeno přes 40 milionů storyboardů
K Vyzkoušení Není Potřeba Žádné Stahování, Žádná Kreditní Karta a Žádné Přihlášení!