May isang binatang lalaki na naghahanap ng trabaho para sa kanyang pag-aaral. Isang araw, nakahanap siya ng trabaho bilang manggagawa. Mabilis din siyang nakahanap ng mga kaibigan.
Kamusta! Bagong tauhan ako rito. Pwede niyo ba akong tulungan? 'Di ko kasi alam kung paano kayo nagtatrabaho dito.
Sige ba! Kaunti lang naman kami rito, kaya kailangan din namin ng tulong.
Di nagtagal ay nasanay rin ang binata sa trabaho. Natuto siya kung paano magtrabaho ng mabilis at mabisa.
Ako na rin diyan, matatapos na'ko dito.
Sige, Salamat!
Isang araw, pinatawag siya ng kanilang amo at binigyan ng gantimpala.
Tataasan ko ang iyong posisyon at dadagdagan ko ang sahod mo dahil sa kasipagan mong magtrabaho.
Talaga po? Salamat po!
Ngunit dahil dito, naging mapagmataas ang binata at ipinagyabang at inabuso ang kanyang bagong posisyon.
Tulungan mo naman kami, mahirap gumawa kapag kaunti lang ang tao.
Kaya niyo na yan! At huwag niyo nga akong kausapin, mga hampas-lupa!
Hindi na nakapagtiis ang kanyang mga kaibigan at umalis at iniwan siyang magtrabaho mag-isa.
Nahirapan ang binatang magtrabaho nang mag-isa. Naintindihan niya ang kanyang pagkakamali at hinanap ang kanyang mga kaibigan para humingi ng tawad.
Nagkaayos ang binata at ang kanyang mga kaibigan at bumalik sila sa kanilang trabaho. Mas naging maalahanin at mapagpakumbaba ang binata at hindi na niya ulit minaliit ang kanyang mga kaibigan.
Dahil sa bago kong posisyon, naging mayabang ako at hindi ko naiisip ang mga nararamdaman niyo. Sana ay mapatawad niyo ako at tanggapin muli bilang kaibigan.
Nasaktan mo ang aming mga damdamin, ngunit kaibigan ka pa rin namin. Salamat sa paghingi ng tawad, tinatanggap namin iyon.
Vytvořeno přes 40 milionů storyboardů
K Vyzkoušení Není Potřeba Žádné Stahování, Žádná Kreditní Karta a Žádné Přihlášení!