Vyhledávání

Unknown Story

Zkopírujte tento scénář
Unknown Story

Storyboard Text

  • Mukhang makabuluhan at mapanahon ang aming aralin ngayon! Makikinig ako nang mabuti
  • Magandang umaga sa inyo Belardo! Ang ating aralin ngayon ay tungkol sa mga isyung moral na may kinalaman sa kawalan ng paggalang sa katotohanan.
  • MATAPOS ANG KLASE...
  • Marami akong natutunan at naging mulat ako sa mga isyu matapos ang aming talakayan. Ngunit paano ko nga ba ito maisasabuhay sa aking sariling paraan at kakayahan ? 
  • AHA! Alam ko na! Dahil natalakay rin namin ang plagiarism at intellectual piracy, sa abot ng aking makakakaya ay sisikapin kong hindi masangkot sa ganitong isyu. 
  • Gagawin ko ito sa pagprapraktis na palagiang magparaphrase at pagbibigay ng nararapat na credit sa pamamagitan ng citations. Lagi ko nang Isiguraduhin na tama ang aking references at maayos na nai-paraphrase ang aking gawa. Sisimulan ko ito sa aking Takda ngayon sa Research.
  • Para naman sa intellectual piracy, sisikapin kong hindi bumili at tumangkilik ng mga produktong gawa ng hindi orihinal na may likha.
  • Kinabukasan, sa tawag ng sitwasyon ay nagkusang tulungan ni Aya ang mga kaklase niyang hindi pa maalam sa tamang pagsasabuhay ng katotohanan matapos sila makitang naguguluhan.
  • Nako klasmeyt! Hindi tama yan. Naalala mo ba ang ating aralin sa ESP kahapon? Iyang balak mong gawin ay tinatawag na Plagiarism at hindi ito tama! Para maiwasan masangkot sa isyung ito. Maaari mong i-paraphrase yang sagot sa google at dagdagan ng iyong sariling ideya at pagpapaliwanag. Huwag mo rin kakalimutan ang tamang referencing. 
  • Ang hirap naman nitong takdang aralin sa Research. Malapit na ang deadline siguro kokopyahin ko na lang itong nasearch ko sa Google.
  • Ahhh, ganun ba Aya? Sige, maraming salamat! Napakalaking tulong nito sa akin.
  • Klasmeyt! Hindi magandang gawain yan! Ang pagbili ng piniratang DVD ay pagbibigay ng negosyo sa mga taong gumawa ng isang ilegal na gawain. Dapat ay hindi natin ito tangkilikin at bilhin ano man ang mangyari.  Maaari ka pa naman makapag-ipon para makabili ng orihinal na kopya ng DVD o  maaari kang manghiram. Ito na lang ang iyong gawin.
  • AH! Hindi ko man lang ito naisip. Pasensiya na. Nakagawian na kasi ng aming pamilya na bumili lamang ng kung ano ang mura upang makatipid. Salamat sa iyong payo Aya.
  • May gusto akong panoorin na palabas ngunit wala akong sapat na pera para bilhin ang tiket sa sine o kaya naman ang DVD nito. Siguro bibili na lang ako sa palengke sa susunod na buwan pag available na ito dahil bente lang, nakamura pa ako!
  • Ang Paraan ng mga Estudyante sa Pagsasabuhay ng Katotohanan
  • -WAKAS-
Vytvořeno přes 40 milionů storyboardů
K Vyzkoušení Není Potřeba Žádné Stahování, Žádná Kreditní Karta a Žádné Přihlášení!
Storyboard That Family