Kumusta? Ako nga pala si Mario. Isang simpleng Pilipno na ngangarap ng pagbabago sa ating bansa. Ngayon nga ay natapos nanaman ang isang makasaysayang eleksyon.
Nakita natin kung paano niligawan ng mga kandidato ang mga botante
Nagkaroon ng mga miting de avance ang ilan sa mga pangalan sa pagka presidente at vice presidente.
Naging malaking impak din ang pag iindorso ng mga simbahan tulad ng Iglesya ni Cristo at Simbahang Katoliko sa naganap na eleksyon.
Pinagdadasal namin ang malinis at patas na eleksyon. Mangyari nawa ang kagustuhan ng may kapal.
Angat buhay lahat!
Dalawang tandem nga ang higit na nag ingay ng panahon ng kampanya. Ngunit sa huli ay isang tandem lang ang umangat.
UniteamVSKakampink
Unity!
Sana magkaroon ng pagbabago sa bansa.
At tuluyan na nga ipinamalas ng Uniteam. Lakas ng suporta sa anak ng dating pangulong Marcos nitong nakaraang eleksyon na naganap noong May 9, 2022. Lumamang si ginoong Bongbong Marcos ng higit 15M vote count sa katunggali nitong si VP Leni Robredo sa "Partial and Unofficial result" ng comelec. Ganon din ang laban sa pagka vice presidente ni Sara Duterte at Kiko Pangilinan, Kung saan higit na lumamang si Inday Sara.
Tapos na tayo makinig sa mga kandidato. Sana tayo naman ang pakinggan nila at bigyan ng boses ang mga tao bata o matanda, mahirap man o mayaman.
Magandang bukas para sa kabataan.
Pantay-pantay na oportunidad at sapat na serbisyo mula sa gobyerno.
Vytvořeno přes 40 milionů storyboardů
K Vyzkoušení Není Potřeba Žádné Stahování, Žádná Kreditní Karta a Žádné Přihlášení!