"Kaunting panahon na lamang at hindi na tayo magdaranas ng paglulukot ng#160;tiyan at muling manunumbalik ang iyong lakas, Itay."
Mula sa kunot na nuo ay utay-utay na umanod ang ganggabutil na pawis.#160;Lakad-takbo ang kanyang ginawa habang tinitiis ang pagkangalay ng mga kamay na#160;bumibitbit sa konting butil ng bigas at ilang gamot. Kailangang makipaghabulan siya sa#160;oras, ang bawat sandali'y mahalaga para sa kanya. Nag-uumagting ang kanyangkalamnan habang nakikipaghabulan sa papalubog na araw.#160;
PALALAYASIN SILA SA KANILANG LUPA
"Hindi kamimakapapayag, ang lupang ito ay sa amin, minana pa ng aking ama sa aming mga#160;ninuno. Hindi kami aalis dito, magkakamatayan na tayo".
Hindi alintana ng#160;kanyang kuya Lito ang init ng singkad ng araw na tumitimo sa bahaging laman ng#160;kanyang batok. Hangad palibhasa'y makaahon sa lupa at masilayan ang langit.
ANG PAGKAWALA NG KANYANG KUYA
May bahid ng ngiti ang mga salitang binitiwan ng kanyang kuya Lito isang hapon#160;noon habang kausap nito ang kanilang ama na nakaratay sa kamang yari sa kawayan.
wakas ng kwento
"Anak, hindi na ako magtatagal. Simulang pagkabata ay hinangad namin ng iyong ina ang magandang kinabukasan ninyong magkapatid subalit ipinagkait ng tadhana sa atin.
Isang araw pa bago mag-anihan. Taliwas sa mga pangyayari ay umusbong ang#160;panganib sa kabukiran. Ilang sandali'y narinig nila ang mga yabag ng papalapit na mga#160;paa na aali-aligid sa kanilang kubo. Tumaas ang kilay ng kanyang kuya Lito sabay#160;hablot sa tabak na nakasabit sa may haligi ng dingding.
"Pinalalayas na kayo ni Don Miguel, tapos na ang inyong palabas.
Narinig niya ang mga kasa ng baril habang hinuhugot ng kanyang kuya Lito angmatalim na tabak.
"Anak, lagi mong tatandaan na ang nabubuhay ng walang pagtitiis sa daigdig atnagpapagapi sa maling daloy ng takbo ng panahon ay tulad sa isang lupangnakatiwangwang at walang pataba, tubuan man ng halaman, ang dahon ay nalalanta atkung mapilitan namang mamulaklak ay naluluoy ang bunga at bumabagsak sa lupa."
"Huwag ka sanang mawawalan ng pag-asa, alalahanin mong ang tao ay nabubuhay sa daigdig ng pakikibaka. Ang gabi'y hindi mananatiling madilim sapagkat ito ay may kinabukasan, at pagbubukang l wayway, magiging maliwanag ang kapaligiran."
Vytvořeno přes 40 milionů storyboardů
K Vyzkoušení Není Potřeba Žádné Stahování, Žádná Kreditní Karta a Žádné Přihlášení!