Isang umaga, nagising si Lucas na may tanong na hindi niya masagot. Siya ay pumunta sa sala para tanungin ang kanyang ina.
Ano ba ang Liberal na Ideya?
Sumagot kay Lucas ang kanyang ina. Sila ay nagusap tungkol sa mga pangyayari noong ang mga Pilipino ay nasa ilalim ng pangangasiwa ng mga Espanyol.
Mama, ano ba ang Liberal na Ideya?
Nagsimula iyan sa mga pilosopo at nabalitaan ng mga Pilipinong mag-aaral. Sila ang nagkalat ng ideya na walang katarungan sa Pilipinas sa ilalim ng Espanya.
Ganoon po ba? Ano-anong mga ideya?
Tumuloy ang pag-uusap nila sa kusina kung saan naroon din ang kapatid ni Lucas na si Kristine.
Lahat ng tao ay may karapatang mabuhay, magkaroon ng ari-arian, maging malaya, at mangatwiran ayon kay John Locke.
Hindi po ba nangyari ang ganyan sa panahon ng mga Espanyol?
Nakakalungkot isipin pero maraming pang-aabuso ang ginawa ng Espanyol sa mga Pilipino na nawalan ng kalayaan.
Sumama na rin sa usupan si Kristine dahil naging interesado din siya.
Pagkatapos ng umagahan, itinuloy ni Lucas at Kristine and usapan. Sila ay nadala na rin sa paniniwala sa Liberal na Ideya.
Ate Kris, kung buhay na tayo noong panahon na iyon, makikisama kaya tayo sa pakikibaka ng mga mag-aaral sa pamumuno ng Espanya?
Sigurado! Hindi tayo magpapasailalim sa hindi makatarungang pamahalaan.
Masayanag bumalik si Lucas sa kanyang silid. Alam na niya ang sagot sa tanong niya. At dahil doon, sumulat siya ng liham para sa Pangulo ng Pilipinas para mapakita ang natutunan niya. Sinama rin niya ang iba't-ibang paraan para ipakita ang pagmamahal sa bansa
Buti na lang, umusbong ang Liberal na Ideya. Ito ang naghudyat sa pakikibaka ng mga Pilipino sa mga Espanyol. Ang kaalaman ay kapangyarihan.
Mahal na Pangulong Bong Bong Marcos, Maipapakitako ang pagmamahal sa aking bansa sa pamamagitan ng pagiging mabuting mag-aaralng kasaysayan ng Pilipinas upang kami ay maging mulat sa mga dapat at hindi dapatgawin. Susuportahan ko ang mga gawang Pilipino at magiging masunuring mamamayanng Pilipinas.Ang Inyong Lingkod,Jacinto Dela Cruz.
Vytvořeno přes 40 milionů storyboardů
K Vyzkoušení Není Potřeba Žádné Stahování, Žádná Kreditní Karta a Žádné Přihlášení!