Mula sa isang tahimik na tribo ay may mga dumating na mangkukulam na mga tagalog at kami ay nilinlang. Kapalit ng tatlong kahong hipon, tatlong manok, at isang bala ang aming mga lupain ay napilitang isinuko ng aming pinuno.
We are giving our indigenous people the opportunity to learn self development, panimula ng isang lalakeng dayuhan, Through the efforts of our tourism department they could live with the global trends and share the beauty of their traditions.
Isang banyaga mula sa bansang Amerika ang sa akin ay bumati.Napansin kong kasingkulay ng kanyang balat ang malaperlas na bunangin, ang dagat ang kanyang mga mata. Nakatulala lamang ako sa kanya no'ng una ko siyang makilala.
Sumama ako sa kaniya sa Amerika. Isa siyangcultural psychologist sa Harvard. Si Ms. Winters ay isang naiibang katauhan. Inalagaan niya ako at pinag-aral; pareho kaming nag-iisa.
Nakapagtapos ako ng pilosopiya sa prestihiyosong paaralan sa Amerika kung saan ako ay naglilingkod, Oo,uminum ako ng katas ng karunungan sa lupain ng mga dayuhan, Ngunit ako'y hindi nakalimot.
Kinabukasan, bago pumunta sa paliparan ay nagpaalam muna ako kay Ms. Winters na pupunta ng dalampasigan. Isinaboy ko sa tubig ang lupa mula sa bote na parang abo ng isang mahal sa buhay na nagpapaalam.
Vytvořeno přes 40 milionů storyboardů
K Vyzkoušení Není Potřeba Žádné Stahování, Žádná Kreditní Karta a Žádné Přihlášení!