Vyhledávání

Unknown Story

Zkopírujte tento scénář
Unknown Story

Storyboard Text

  • "Sana nga anak, harinawa nga."
  • "Kaunting panahon na lamang at hindi na tayo magdaranas ng paglulukot ng tiyan at muling manunumbalik ang iyong lakas, Itay."
  • "Pinalalayas na kayo ni Don Miguel, tapos na ang inyong palabas.
  • "Hindi kami aalis dito, magkakamatayan na tayo"
  • Lakad-takbo ang kanyang ginawa habang tinitiis ang pagkangalay ng mga kamay na bumibitbit sa konting butil ng bigas at ilang gamot. Kailangang makipaghabulan siya sa oras, ang bawat sandali'y mahalaga para sa kanya. Nag-uumagting ang kanyang kalamnan habang nakikipaghabulan sa papalubog na araw. Napatiimbagang siya sa galit sa takbo ng panahon.
  • May bahid ng ngiti ang mga salitang binitiwan ng kanyang kuya Lito isang hapon noon habang kausap nito ang kanilang ama na nakaratay sa kamang yari sa kawayan.
  • "Anak, hindi nako magtatagal at sana hindi ka mawalan ng pag-asa"
  • Isang araw pa bago mag-anihan. Taliwas sa mga pangyayari ay umusbong ang panganib sa kabukiran. Ilang sandali'y narinig nila ang mga yabag ng papalapit na mga paa na aali-aligid sa kanilang kubo.Umalingawngaw ang nakatutulig na mga putok, at sinundan ng iba pa.
  • Matapos tabunan ng lupang putikan ang bangkay ng kanyang kapatid ay hindi pa rin mahugot ang nasa itaas habang silang nasa ibaba ay dumaraing.
  • Naputol ang kanyang pag-alala sa nakaraan ng sapitin niya ang kanilang tahanan at makaulinig ng pabugsu-bugsong pag-ubo bago pumasok ng kanilang kubo. Naudlot siya sa kanyang nakita, ang kahabag-habag niyang ama.
  • Pinagdaop niya ang kanyang palad at mukha'y bahagyang itiningala sa langit, umusal ng kaunting dalangin. Saglit lamang iyon at humakbang ang kanyang mga paa, tanging siya lamang ang nakababatid kung saan talaga siya pupunta.
Vytvořeno přes 40 milionů storyboardů
K Vyzkoušení Není Potřeba Žádné Stahování, Žádná Kreditní Karta a Žádné Přihlášení!
Storyboard That Family