Vyhledávání

Unknown Story

Zkopírujte tento scénář
Unknown Story

Storyboard Text

  • Walang tigil sa paghatak ang aninong subsob na palikyad likyad na tumatalunton sa mga pilapil. Baku-bako ang lupang tinatapakan ng mga paang nangangatog sa paghakbang. Mula sa kunot na nuo ay utay-utay na umanod ang ganggabutil na pawis. Lakad-takbo ang kanyang ginawa habang tinitiis ang pagkangalay ng mga kamay na bumibitbit sa konting butil ng bigas at ilang gamot. Kailangang makipaghabulan siya sa oras, ang bawat sandali'y mahalaga para sa kanya. Nag-uumagting ang kanyang kalamnan habang nakikipaghabulan sa papalubog na araw. Napatiimbagang siya sagalit sa takbo ng panahon.
  • Phew!
  • Kaunting panahon na lamang at hindi na tayo magdaranas ng paglulukot ngtiyan at muling manunumbalik ang iyong lakas, Itay.
  • "Sana nga anak, harinawa nga."
  • Isang araw pa bago mag-anihan. Taliwas sa mga pangyayari ay umusbong ang panganib sa kabukiran. Ilang sandali'y narinig nila ang mga yabag ng papalapit na mga paa na aali-aligid sa kanilang kubo. Tumaas ang kilay ng kanyang kuya Lito sabayhablot sa tabak na nakasabit sa may haligi ng dingding.
  • Huwag kayong lalabas, ako ang bahala
  • Hindi kamimakapapayag, ang lupang ito ay sa amin, minana pa ng aking ama sa aming mganinuno. Hindi kami aalis dito, magkakamatayan na tayo.
  • Pinalalayas na kayo ni Don Miguel, tapos na ang inyong palabas.
  • Anak, lagi mong tatandaan na ang nabubuhay ng walang pagtitiis sa daigdig atnagpapagapi sa maling daloy ng takbo ng panahon ay tulad sa isang lupangnakatiwangwang at walang pataba, tubuan man ng halaman, ang dahon ay nalalanta atkung mapilitan namang mamulaklak ay naluluoy ang bunga at bumabagsak sa lupa.
Vytvořeno přes 40 milionů storyboardů
K Vyzkoušení Není Potřeba Žádné Stahování, Žádná Kreditní Karta a Žádné Přihlášení!
Storyboard That Family