Kolonyalismo ng Espanya sa Pilipinas

Opret et Storyboard
Kopier dette storyboard
Kolonyalismo ng Espanya sa Pilipinas
Storyboard That

Lav dit eget Storyboard

Prøv det gratis!

Lav dit eget Storyboard

Prøv det gratis!

Storyboard Tekst

  • Bukod sa atas ng Papa ng Roma na maipalaganap ang relihiyong Katolisismo ay may iba pang pangyayaring nagbigay-daan upang marating o matuklasan ng Espanya ang Pilipinas. 
  • Sa pangkalahatan, may tatlong pangunahing layunin ang Espanya sa pananakop sa Pilipinas. Ang Kristiyanismo (God), Kayamanan (Gold) at Karangalan (Glory). 
  • Ang paraan ng pananakop ng mga Espanyol ay mga sumusunod: 1. ang pagtuturo ng mga misyonero ng Kristiyanismo, 2. Ang sistemang reduccion na sapilitang inilipat ang mga katutubo sa malayong lugar at nilagay sa bayan o pueblo, 3. Ang palaging pagtunog ng kampana na hudyat na magsimba ang mga tao at 4. Ang patakarang encomienda, tributo, at polo y servicios na nagpahirap sa mga Pilipino.
  • Ang magandang epekto ng pananakop ng mga Espanyol ay ang pagbabago ng panahanan na gawa na sa bato o tisa. Ang pagsusuot ng pantalon, jacket at sapatos sa mga lalaki. Ang mga kababaihan naman ay terno, palda at payneta. Pagpapatayo ng mga paaralang pamparokya at pagtatatag ng pamahalaang sentralisado.
  • Pagpapakilala sa mga Pilipino ng mga dulang Kanluranin tulad ng sarsuwela, moro-moro at senakulo. Paggamit ng mga instrumentong pangmusika tulad ng violin, organ at flute. Pagsulat ng mga tula, kuwento, nobela at iba pang akda sa wikang Espanyol.
  • Ang negatibong epekto ng pananakop ng mga Espanyol ay ang mababang pagtingin sa gawaing manwal, ang pagiging palaasa sa mga utusan o kasambahay, ang pagtaya sa karera ng kabayo at pagkakaroon ng bisyo tulad ng pag-inom ng alak at sugal.
Over 30 millioner Storyboards oprettet