Sumapit ang gabi, hinanap ni Bruno si Adong sa simbahan upang kunin muli ang nalikom na pera ni Adong sa pamamalimos.
Nakita ni Bruno si Adong na tumatakbo at sinigawan ito.
Iho, Bruno, sino sinisigawan mo?
Adong!! Akin na ang pera mo! ADONG!!!
Mabilis na tumakbo si Bruno upang habulin si Adong. Habang lumalayo, sila ay patungo sa isang makitid na daan.
Nahuli rin ni Bruno si Adong. Sumisigaw siya at pinagbabantaan si Adong ngunit ayaw ibigay ni Adong ang salapi.
Pasaway kang bata ka, ha! Tuturuan kita ng leksiyon!
Binugbog ni Bruno si Adong hanggang sa nawalan ito ng hininga. Hinahabol ba ni Bruno ang kaniyang hininga habang nakatitig sa dugo.
Iyan ang napapala ng mga anak na malas, palpak, pasaway, at 'di mahal ng mga magulang!
Napaluhod si Bruno sa kaniyang sinabi at bumuhos ang kaniyang luha. Nawala ang katawan ni Adong. Makikita ang isang kutsilyo sa sahig. Maraming sugat at dugo sa katawan ni Bruno.