Unknown Story

Loo Süžeeskeemi
Kopeerige see süžeeskeemid
Unknown Story
Storyboard That

Looge oma süžeeskeemid

Proovige seda tasuta!

Looge oma süžeeskeemid

Proovige seda tasuta!

Süžeeskeem Tekst

  • May bahid ng ngiti ang salitanng binibitawan ng kaniyang kuya Lito habang kausap ang kanilang ama na nakaratay sa kamang gawa yarisa kawayan.
  • Walang tigil ang paghatak sa aninong subsob na palikyad likyad na tumatalonton sa mga pilapil. lakad takbo habang tinitiis ang pagkangalay sa mga kamay bitbit ang konting bigas at gamot.
  • Sana nga anak, harinawa nga.
  • Kaunting panahon na lamang at hondi na tayo magdaranas ng paglulukot ng tiya at mylung manunumbalik ang iyong lakas, itay.
  • Bawat sandali'y mahalaga sa kaniya. napatiimbagang siya sa galit ng takbo ng panahon. Marahil ganoon din ang nararamdaman ng kaniyang kuya Lito noon. Matinding poot sa dibdib lalo pa't ang natitirang pag-asay nabahiran ng pagkabigo. Kapirasong lupang magmamay ari ng kaniyang ama na kinamkam ng Don.
  • Taliwas sa mga nangyayari ay umusbong ang panganib sa kabukiran. ilang sandali'y narinig nila ang yabag ng paa na paparating at umaali-aligid sa kanilang kubo.
  • Mula sa butas ng uwang ay nakita niya ang papalapit na sandatahang kalalakihan at narinig niyang sabi...
  • Huwag kayong lalabas, akong bahala.
  • Hindi kami makakapayag, amin ang lupang ito, minana ng aking ama sa aming mga ninuno. hindi kami aalis dito, magkamatayan na tayo.
  • Pinalalayas na kayo ni Don Miguel, Tapos na ang inyong palabas.
  • kitang kita niya ang kaniyang kuyaLito na tila nabalian ng mga bagwis matapos bistayin ng mga pulbura ay agaw hinihingang bumubulusok. Ang kirot ng na nadarama ng kaniyang kuya Lito ay dama niyang dumampi sa hapis ng katawan ng kaniyang murang edad.
  • Tatlong araw na ang nakararaan matapos tabunan ng lupang putikan angbangkay ng kanyang kapatid ay hindi pa rin mahugot ang nasa itaas habang silangnasa ibaba ay dumaraing. Ang ama ang tinik sa naglalatang niyang dibdib. Alam niyanghumahalakhak niya ay lalong naratay sa sakit bunga ng tinamong kasawian ng kanyangkuya Lito.
  • Naputol ang kanyang pag-alala sa nakaraan ng sapitin niya ang kanilang tahanan at makaulinig ng pabugsu-bugsong pag-ubo bago pumasok ng kanilang kubo.
  • Sa bahaging iyon ng pag-alala ay nabuksan ang nag-aalimpuyo niyangdamdamin. Lalong humigpit ang tangan niya sa isang supot ng bigas at ilang gamot. Sakuyom na palad ay halos mapunit ang balutan ng magsisilbing lugaw na pantawidgutom nilang mag-ama.
  • Pagkaraan ng ilang sandali ay nakarinig siya ng daing na para bang umuugit sa kailaliman ng kanyang puso. Walang pakundangan niyang itinulak ang pinto. Naudlot siya sa kanyang nakita, ang kahabag-habag niyang ama. Halos panawan na ito ng ulirat, nanginginig ang buong katawan at pabagal nang pabagal ang paghinga.
  • Huwag ka sanang mawawalan ng pag-asa, alalahanin mong ang tao aynabubuhay sa daigdig ng pakikibaka. Ang gabi'y hindi mananatiling madilim sapagkat ito ay may kinabukasan, at pagbubukang liwayway, magiging maliwanag ang kapaligiran.
  • Lumapit siya ng bahagya, kasabay noon ang pagkabuo ng kimpal na luha sa kanyang mga mata at dagling umagos sa magkabilang pisngi. Pinahid iyon ng kamay ng kanyang ama. Ginagap ang kanyang palad, pinisil ng mariin. May pagsusumamo ang papahinang boses, pinipilit na makapagsalita habang patuloy na nanghihina. Pagkaraan ay nagwika:
  • Anak, hindi na ako magtatagal. Simulang pagkabata ay hinangad namin ng iyong ina ang magandang kinabukasan ninyong magkapatid subalit ipinagkait ng tadhana sa atin. Wala tayong salapi at ang tanging maipamamana namin ay ang natitirang kapirasong lupang ito.
  • Ang nasasaisip niya'y darating din ang panahong siya ay lalaki at gagamitin ang ararong yaon. Sasapit din ang panahong siya'y magiging isang ama. Pumailanlang sa kanyang balintataw ang mga katagang ibinulong sa kanya ng ama hanggang sa huling sandali.
  • Kinabukasan ay di maalis ang pagkakapako ng kanyang paningin sa gilid ng kanilang kubo na kinaroroonan ng lumang araro.
  • Anak, lagi mong tatandaan na ang nabubuhay ng walang pagtitiis sa daigdig at nagpapagapi sa maling daloy ng takbo ng panahon ay tulad sa isang lupang nakatiwangwang at walang pataba, tubuan man ng halaman, ang dahon ay nalalanta at kung mapilitan namang mamulaklak ay naluluoy ang bunga at bumabagsak sa lupa.
  • Pinagdaop niya ang kanyang palad at mukha'y bahagyang itiningala sa langit, umusal ng kaunting dalangin. Saglit lamang iyon at humakbang ang kanyang mga paa, tanging siya lamang ang nakababatid kung saan talaga siya pupunta.
Loodud üle 30 miljoni süžeeskeemi