sinabi ni madame forestier ang katotohanan na imitasyon lamang ang kaniyang ipinahiram na kwintas kay mathilde
Laking gulat ni G. Loisel sa sinabi ito ni Mathilde, napaupo sya na nanlulumo. Mahabang panahon ang kanilang ginugol para lamang mabayaran ang mga pagkakautang dahil lang sa kwintas na hindi naman pala tunay. Si Mathilde naman ay napaluha na langdin dahil sobra ang kaniyang naranasan na kahirapan para lang makabayad sa pagkakautang nila.
Ilang taon ang tila nasayang na sana ay naging maayos ang kanilang pamumuhay, Naisip nila na sana ang mga prankong kinita nila sa lahat ng kanilang gawain ay kanila ng ipon.
Nakiusap sila kay Madame Forestier na kung maaari ba nilang makuha muli ang kwintas na kanilang ibinigay, at bayaran nalang ang nawalang kweintas na imitasyon lamang pala. Mabuti na lamang at may mabuting puso din si Madam Forestier. Naawa din siya sa sinapit ng mag-asawa. At dahil imitasyon lang naman ang ipinahiram niya noon, ay ibinalik niya ang tunay na kuwintas
Laking pasasalamat ng mag asawa habang umiiyak sa tuwa. Kung naging matapat lamang sila at sinabi ang totoo kay Madame Forestier ay hindi dapat nila sinapit ang ganoong paghihirap.
Ibinenta muli ng mag asawa ang kwintas at tuwang tuwa at hindi makapaniwala na ang paghihirap nila ng ilang taon ay hindi nauwi sa wala. Itinabi nila ang prangko at natuto silang magtipid. Naglaon din sila para maging maayos muli ang kanilang itsura. Nagsilbing aral sa mag asawa ang lahat ng kanilang pinagdaanan. Naging maayos na ang kanilang pamumuhay.
Plus de 40 millions de storyboards créés
Aucun Téléchargement, Aucune Carte de Crédit et Aucune Connexion Nécessaire Pour Essayer !