Unknown Story Storyboard par ee772399
Recherche

Unknown Story

Copiez ce storyboard
Unknown Story

Texte du Storyboard

  • Nang sila ay maka-uwi na sa kanilang tahanan, sabay-sabay kumain ang pamilya.
  • Matapos kumain ay naisipan ng padre de pamilyana magpahangin sa kanilang teresa. Naisip niyang muli ang mga sinabi sa kaniyang asawa. Ikaw ang gumagawa ng sarilimong kalungkutan. “Ako nga ba ang gumagawa ng sarili kong kalungkutan?”tanong niya sa sarili.
  • “Nalinawan ka na ba?” tanong ng kaniyang asawana biglang sumulpot sa kaniyang likuran. “Alam kong naiintindihan mo na kungbakit ko nasabi iyon sa’yo..” ang sabi ng babae sa lalaki. “Masyado ka ngnagiging malupit sa sarili mo, bakit ba pilit mong nilalayo ang iyong sarilimula sa iba? Ikaw ang nagpapalungkot sa sarili mo, mahal.” dagdag pa niya.
  • “Pasensya na, Zari, kung naging makasarili ako. Naiintindihan ko na ngayon lahat ng sinabi mo kanina. Pipilitin ko ng baguhinang aking sarili para narin sa aking ikabubuti.” sagot ng lalaki sa babae.
  • Lingid sa kanilang kaalaman na nadungaw pala sapintuan ang kanilang anak at ito ay hindi sinasadyang makinig sa kanilangpinag-uusapan. “Mama, papa, bati na po ba kayo? Hindi na po ba kayomagsisigawan ulit katulad kanina?” tanong ng kanilang anak gamit ang mahinanitong boses. Nagkatinginan ang mag-asawa at parehas nakaramdam ng awa sakanilang anak.
  • Pinuntahan nila ito at niyakap. “Pasensya na, anak, kung nakita mo kaming nag-aaway kanina ng iyong tatay. Mayroon lamang kaming hindi pagkakaintindihan at nag-usap na kami ngayon.”
Plus de 30 millions de storyboards créés
Aucun Téléchargement, Aucune Carte de Crédit et Aucune Connexion Nécessaire Pour Essayer !
Storyboard That Famille