ARALING PANLIPUNAN 6Pagsusumikap ng mga Pilipino tungo sa pagtatag ng Nagsasariling Pamahalaan
Ang malasariling pamahalaan o Komonwelt sa Pilipinas ay dumaan sa isang mahabang proseso ng mga hakbang at batas. Nagpunyagi ang mga Pilipino maging ang mag Amerikano na nagnanais na makamtan ito at mabigyan ang Pilipinas ng Kalayaan. Tinatawag na Pilipinisasyon ang unti-unting paglipat ng kapangyarihan politikal sa mga Pilipino mula sa mga Amerikano.
TUNGO SA MALASARILING PAMAHALAANBATAS PILIPINAS 1902Ang batas na ito ay tinatawaw din Philippìnes Organic Act of 1902. Kilala rin ito bilang Cooper Act na kinuha sa tagapagtaguyod nito na si Henry Allen Cooper. Ang batas na ito ay nagtatakda na ilang mahahalagang nilalaman para sa pagtataguyod ng kalayaan ng bansa sa hinaharap. Ilan sa mga ito itinatadhana nito ay ang pagkakaroon ng talaan ng karapatan ng mga mamamamyang Pilipino. Higit sa lahat ng batas na ito ay nagtatadhana nang pagtatatag ng Asamblea ng Pilipinas
ASAMBLEA NG PILIPINAS Noong Oktubre 16, 1907 na kung saan nabigyan nagpakakataon ang mga Pilipinong mamahala sa bansa. Ang pangunahing tungkulin nila ay gumawa ng batas. Nahirang si Sergio Osmeña Sr. bilang tagapagsalita o ispiker at Manuel Quezon naman bilang Lider ng minirya. Ilan sa mga batas na nagawa ng Asamblea ay mga batas tungkul sa pagtatakda ng unang araw ng Mayo bilang araw ng paggawa. Pangalawa ay ang pagtatatag ng pambansang aklatan at mga gusali sa bansa. Isa mahalagang batas na inaprubahan sa ilalim nb Asamblea ng Pilipinas ay ang Gabaldon Act noong 1907. Ang Gabaldon Act ay nagtatakda ng paglalaan ng isang milyong piso para sa pagtatayo ng mga paaralan sa bansa.
PHILIPPINE AUTONOMY ACTKilala bialang batas Jones mula sa pangalan ng mambabatas na Amerikano si William Atkinson Jones. Pinagtibay ito ng Kongreso ng Amerika noong ika- 29 ng Agosto 1916. Ang batas Jones ang kauna- unahang pangako ng kalayaan sa Pilipinas kapag naipatupad ang mga isinasaad dito. Ang bats Jones ay nagtatadhanang pagbibigay ng tatlo sangay ng pamahalaan sa kamay ng mga Pilipino maliban sa sangay ng ehekutibo.
SANGAY NG PAMAHALAAN ■EHEKUTIBO-ang kapangyarihang ay nasa kamay gabernador heneral na hinirang ng Amerika.■LEHISLATIBO-ang kapangyarihang sa nasa kamay ng tagapagbatas na kinatawan .■HUDIKATIBO-ang kapangyarihang nasa kamay ng hukuman
Plus de 40 millions de storyboards créés
Aucun Téléchargement, Aucune Carte de Crédit et Aucune Connexion Nécessaire Pour Essayer !