Unknown Story स्टोरीबोर्ड द्वारा 327a445d
खोज

Unknown Story

इस स्टोरीबोर्ड को कॉपी करें
Unknown Story

स्टोरीबोर्ड पाठ

  • Sa isang prestihiyosong unibersidad sa syudad ng Lipa, Batangas, tumunog ang kampana at nagsilabasan ang mga estudyanteng may kapana-panabik na ngiti sa kanilang mga labi.
  • Sa sulok ng pasilyo nag-uusap ang dalawang iskolar na magkaibigan na sina Raquel at Kristina kung magsusuot sila ng parehong damit na sinuot nila noong nakaraang taon o bibili sila ng bago pero sa ukay-ukay lamang.
  • Biglang napatigil sa pagsasalita si Kristina nang biglang humalakhak ng sobra ang tatlong magkakaibigan sa kanilang likuran. Sila ay si Jonel, Nicole, at Marisol. Sila ay nagtatawanan sa kanilang narinig patungkol sa pagbili ng isusuot sa ukay-ukay dahil sila ay bibili sa mga mamahaling tindahan at pinandidirian nila ang mga damit sa ukay-ukay sapagkat ito ay ginamit na kaya maaaring ito ay madumi at hindi kaaya-aya.
  • Habang ang lahat ay abala sa pag-uusap patungkol sa kaganapan sa susunod na araw, sina Raquel at Kristina ay nagmamadaling umalis sapagkat may trabaho pa si Raquel at kailangan pa nilang pumunta sa ukay-ukay bago sa trabaho. Sila ay humihingal nang makarating sa tindahan ng ukay-ukay pero ang kamay ng orasan ay patuloy na kumikilos kaya sila ay nagmamadaling namili.
  • Bagay nga sa kanila!
  • Habang sila ay taimtim na namimili, nagkataong napadaan ang tatlong mapang-aping estudyante. Sa halip na dumiretso sa kanilang destinasyon, ay naisipan pa nilang huminto at magparinig sa dalawang iskolar.
  • Tama ka nga bakla, kasingdumi ng damit ang bumibili.
  • Mga kaibigan, tingnan niyo kung sino ang namimili ng mura at nakakadiring damit.
  • Nakaramdam ng hiya at pagdadalawang-isip si Kristina nang marinig niya ang mga panlalait at kaagad niyang isinauli ang mga damit na kanyang napili. Nagtaka si Raquel kung bakit isinauli ni Kristina ang mga damit kaya siya ay napatanong.
  • Hindi ka ba nahihiya? Tayo ay bumibili lamang ng mga damit na galing sa ibang tao habang sila ay masayang bumibili ng mga bago.
  • Kristina, bakit mo isinasauli ang mga iyan? Wag mong sabihin na nagpapadala ka sa mga panlalait nila.
30 मिलियन से अधिक स्टोरीबोर्ड बनाए गए
कोई डाउनलोड नहीं, कोई क्रेडिट कार्ड नहीं, और कोशिश करने के लिए किसी लॉगिन की आवश्यकता नहीं है!
Storyboard That फैमिली