Malalim na ang gabi, pauwi na si Basilio ng may narinig siyang mga yabag at nakitang liwanag napalapit. Napatigil si Basilio. Nakilala ni Basilio ang tao na ito. Siya si Simoun ang mag-aalahas. Ang taong tumulong sa paglibing sa kanya ina.
KABANATA 7: SI SIMOUN
Nagpakita si Basilio kay Simoun. Tinutukan siya nito ng rebolber. Alam ni Basilio ang kanyang lihim maaaring itong magwasak sa katauhan ni Simoun. Ngunit hinayaan siya ni Simoun na mabuhay dahil ayon kay Simoun parehong silang may dapit singilin sa lipunang kanilang kinaroroonan.
KABANATA 7: SI SIMOUN
Isinalaysay ni Simoun kay Basilio ang kanyang layunin sa kanyang pagbabalik. Tinanong niya si Basilio bakit sila nag plano na magtayo ng paaralan ng wikang Kastila. Sinabi ito na hindi magiging wika ng kanilang bayan ang kastila dahil wala sa wikang ito ang isip at damdamin ng Pilipinas. Kaya imbis na maging malaya, ay higit pa kayong nag paalipin.
KABANATA 7: SI SIMOUN
Nagpaliwanag si Basilio na ang wikang kastila ang magbubuklud sa bayan at sa pamahalaan. Sinagot ito ni Simoun na may takip na ang tenga at mata ng pamahalaan kaya wala silang maibibigay na pag-asa kaya kailangan kumilos at paunlarin ang sariling wika.
Hinikayat ni Simoun si Basilio na sumabay sa kanyang mga balak. Ngunit ayon kay Basilio, ang nais niya ay manggamot ng may sakit lamang. Kaya, napuna ni Simoun na hindi naantig ang kalooban ni Basilio.
Tinanggihan ni Basilio ang alok ni Simoun at nag paalam dito, dahil pipiliin niya mamuhay ng mapayapa at magkapamilya. Bulong ni Simoun sa kanyang sarili habang tanaw si Basilio na nalalapit na ang pagsikat ng araw sa kanilang bayan.
40 मिलियन से अधिक स्टोरीबोर्ड बनाए गए
कोई डाउनलोड नहीं, कोई क्रेडिट कार्ड नहीं, और कोशिश करने के लिए किसी लॉगिन की आवश्यकता नहीं है!