Ang katangian ni Kapitan Tiago ay itinuturing na hulog ng langit. Siya ay pandak, di-kaputian at may bilugang mukha. Siya ay tinatayang nasa pagitan ng 35 taong gulang. Maitim ang buhok, at kung hindi lamang nananabako at ngumanganga, maituturing na siya ay magandang lalaki.
AKO AY KABILANG SA MGA KASTILA!
Siya ang pinakamayaman sa Binundok dahil sa marami siyang negosyo at iba pang klase ng ari-arian. Tanyag din siya sa Pampanga at Laguna bilang asendero, hindi kataka-taka na parang lubong hinihipan sa pagpintog ng kaniyang yaman.
ANG SARAP SA PAKIRAMDAM NA NAAABOT KO NA ANG PINAGKAIT SA AKIN NG AKING AMA.
ANG NAKARAAN..
AMA! PARANG-AWA MO NA, PAG-ARALIN MO NA PO AKO SA ESKWELAHAN. NAGMAMAKAAWA PO AKO.
MAGTIGIL KA! AKSAYA LANG IYAN SA YAMAN KO!
ANG NAKARAAN..
Dahil sa siya ay mayaman, siya ay maimpluwensiyang tao. Siya ay malakas sa mga taong nasa gobyerno at halos kaibigan niya ang lahat ng mga prayle. Kasundo niya "raw" ang diyos dahil nagagawa niyang bilhin ang kabalanan. Katunayan, siya ay nagpapamisa at nagpapadasal tungkol sa kaniyang sarili. Ipinalalagay ng balana na siya ay nakapag-tamo ng kalangitan.
AHHH! MAHAL! KAY SAKIT NG AGARAN MONG PAGKAWALA SA BUHAY NAMIN NG ANAK MO.. PANGAKO, AALAGAAN AT MAMAHALIN KO SI MARIA CLARA NG LUBOS GAYA NG GINAWA KO SA IYO. HANGGANG SA MULI AKING SINTA...
ATE, NAKIKIUSAP AKO. SA IYO MUNA SI MARIA CLARA. MAGHAHANAP AKO NG TRABAHO AT PALALAGUIN ANG MALIIT NAMING NEGOSYO. IPAGKAKATIWALA KO MUNA SIYA SA IYO. PANGAKO BABALIKAN KO SIYA..
LUBOS PO AKONG NAKIKIRAMAY SA PAGKAWALA NIYO. NGUNIT, ANO PO BA ANG NAIS NYONG IPANGALAN SA KANYA?
MARIA- MARIA CLARA...
Ang turing niya sa sarili ay isang tunay na kastila at hindi pilipino. Iisipin na lamang na nasa kaniyang silid ang lahat ng mga santo at santang sinasamba katulad nina Sta. Lucia, San Pascual Bailon, San Antonio de Padua, San Francisco de Asis, San Antonio Abad, San Miguel, Sto. Domingo, Hesukrito at ang banal na mag-anak.
Si Kapitan Tiago ay tanging isang kuripot na mangangalakal ng asukal sa Malabon. Dahil sa kakuriputan ng ama, siya ay hindi pinag-aral. Nang mamatay ang ama, siya ay mag-isang nakipagsapalaran (nangalakal) sa Santa Cruz. Na kung saan doon niya nakilala si Pia Alba na napangasawa niya't, nakasama niyang bumuo ng pamilya.
Dahil sa maselan na pagbubuntis ni Pia Alba, siya ay nahirapang manganak at kalaunan ay namatay. Kaya naman, isinunod ni Kapitan Tiago ang pangalan ng kanilang anak sa santong kanilang sinamba upang magkaroon ng anak (Santa Clara), na Maria Clara. Sa paglaki ni Maria Clara, siya ay inaruga ng pinsan ni Kapitan Tiago na nagngangalang, Tiya Isabel. Siya ang nagsilbing pangalawang ina ni Maria Clara hanggang sa magdalaga ito..
MAKAKAASA KA, AALAGAAN AT MAMAHALIN KO SIYANG PARANG ANAK KO..
30 मिलियन से अधिक स्टोरीबोर्ड बनाए गए
कोई डाउनलोड नहीं, कोई क्रेडिट कार्ड नहीं, और कोशिश करने के लिए किसी लॉगिन की आवश्यकता नहीं है!