Di nagtagal at kumahol ang aso ng kapitbahay. Sa oras na iyon ay busog na busog na ang unggoy, Ayaw pa sana niyang bumaba nguni't naalala niya ang bilin ng kaibigan. Dahan-dahan siyang bumaba dahil sa sobrang kabusugan. Marahil sa sobrang bigat ay dumulas siyang pababa at bumagsak sa mga tinik na nakapaligid sa puno ng saging. Aringking sa sakit ang unggoy at. namimilipit sa sakit ng katawan hanggang sapitin ang kaniyang bahay.
Kaibigang unggoy, hindi mainam sa kalusugan ang manatili diyan sa itaas ng buong araw. Ito'y isang payo ko lang sa iyo. Oras na marinig mo ang kahol ng aso, iyon ay isang hudyat upang ikaw ay bumaba na riyan.
Kinabukasan ay maagang gumising ang unggoy. Kailangan niyang makaganti sa ginawa sa kaniya ng pagong. Lumabas siya at hinanap ang kaibigan. Napagod siya a kalalakad. Pasalpak siyang naupo sa isang animo isang malaking kabibe upang magpahinga. Ang buntot niya ay pumasok sa isang butas at iyon ay biglang hinila ng walang iba kundi ang kaibigan niyang pagong. Ang likod pala ng pagong ang kaniyang naupuan. Napatalon ang unggoy.
Aha, ikaw pala! Alam mo bang kanina pa kita hinahanap?
'Lilitsunin kita!
Anong gagawin mo sa akin?
Pagkatapos ay tatadtarin kita!
At pagkatapos ay itatapon kita sa ilog!
Kapag ginawa mo iyan, magiging pula ang kulay ko. Hindi mo ba alam na pula ang paborito kong kulay?
E di maganda, ikaw rin dadaming lalo ang pagong dito.
Pagkarinig dito ay lihim na natutuwa ang pagong, Hindi alam ng unggoy na gustong-gusto nga niyang maglaro sa tubig at lumangoy. Hindi nagpahalata ang pagong.
Maawa ka, kaibigan. Huwag mong gawin sa akin iyan. Ilitson mo na ako o tadtarin mo kaya. Pero huwag mo lang akong itapon sa ilog!
Hindi pinakinggan ng unggoy ang pakiusap ng pagong. Ubos lakas niyang inihagis sa tubig ang pagong.
Ayaw na ayaw ng unggoy na matatawag siyang tamad. Dali-dali siyang tumalon at dahil sa hindi siya marunong lumangoy, siya ay nalunod. Ang pagong ay tumawa na lang nang tumawa.
Sumisid sa kailaliman ang pagong at ilang sandali lamang at lumitaw ito na may hawak na isang malaking isda. Ipinakita niya ito sa kaibigang unggoy. Nagulat ang unggoy at hindi agad nakapagsalita.
Bakit hindi ka lumundag dito at humuli ng para sa iyo?Hindi kanaman siguro isang tamad.
Kaibigan, ibibigay mo ba sa akin iyan?
40 मिलियन से अधिक स्टोरीबोर्ड बनाए गए
कोई डाउनलोड नहीं, कोई क्रेडिट कार्ड नहीं, और कोशिश करने के लिए किसी लॉगिन की आवश्यकता नहीं है!