Unknown Story

स्टोरीबोर्ड पाठ

  • Tinungo niya agad ang bahay na hindi inaalala ang sarili. At salamat sa kanyang maayos na kasuotan at anyong walang pag-aalinlangan ay madaling nakaraan sa pintuan.
  • Maaaring totoo ang ikinatatakot ni Basilio. Isang kahila-hilakbot na kamatayan ang sasapitin ni Paulita!
  • Pinagmasdan ni Isagani ang kanyang kaibigan na matuling lumayo. Naalala niya ang mukha ni Basilio, takot na takot gayong kilala niya ito sa pagkamahinahon.
  • Samantalang nagaganap sa daan ang mga bagay na ito, sa silid-kainan ay nagpasalin-salin sa mga kamay ang isang makinis na papel na kinasusulatan sa pulang tinta ng mga salitang ito:
  • Mane Thecel Phares!Juan Crisostomo Ibarra
  • May lagda ng isang filibustero na sampung taon nang patay!
  • Tinanong ng Kanyang Kamahalan kung sino ang pangalang may lagda sa papel. Inakala ng lahat na ito'y isang masamang biro lamang.
  • Isang masamang biro!
  • Juan Crisostomo Ibarra? Sino siya?
  • Iyan ay sulat-kamay niya! Sulat-kamay ni Ibarra!
  • Anong nangyari sa inyo, Padre Salvi?
  • Si Padre Irene ay tumingin-tingin sa paligid at nakita niya si Padre Salvi. Ito'y namumutla at nandidilat na nakatitig sa mahiwagang sulat. Naalala niya ang espinghe.
  • Sa gitna ng kaguluhan, isang lalaki ang biglang pumasok. Sinunggaban nito ang lampara, tumakbo sa asotea, at tumalon sa ilog. Ang bulwagan ay ganap na nagdilim.
  • Magnanakaw!
  • Isang rebolber, madali!
  • Sundan ang magnanakaw!
  • Inihagis ng anino ang lampara sa ilog. Mabilis din itong nakatakas matapos akyatin ang pader at tumalon sa tubig. Narinig na lamang ang paglagapak ng katawan sa tubig.