Isang araw, ang Mongheng Mohametano ay nag-iisa at namamanata sa disyerto.
Ang sultan ay namamaybay sa kaniyang ruta nang mapansin niya ang isang Mongheng Mohametano na hindi nagtaas ng ulo.
Ang nakasuot ng balabal ay walang pakiramdam, tulad siya ng hayop, hindi siya nagtataglay ng paggalang at kababaang-loob.
Lumapit ang vizier o ministro at nagwika.
Mongheng Mohametano! Ang Sultan ng buong mundo ay nagdaan sa iyong harapan. Bakit ‘di mo siya binigyan ng kaukulang paggalang.
Hayaan mong ang Sultan ang magbigay ng paggalang para hanapin ang magbebenipisyo sa kaniyang magandang gawa.
Sabihin mo sa kaniya, ang hari ay nilikha para sa kagalingan ng kaniyang nasasakupan at hindi nilikha ang mamamayan para paglingkuran ang Sultan.