Kabanata 24 Noli स्टोरीबोर्ड द्वारा lancemanalo08
खोज

Kabanata 24 Noli

इस स्टोरीबोर्ड को कॉपी करें
Kabanata 24 Noli

स्टोरीबोर्ड पाठ

  • Nagpasya si Ibarra na bisitahin ang mabuting kaibigan ng ama na si Pilosopo Tasyo. Nais nito na humingi ng payo tungkol sa kaniyang pagpapatayo ng paaralan
  • Sa pagpasok ay natagpuan ni Ibarra ang matanda na sumusulat ng heroglipiko, ang paglikha ng mga simbolo sa pagsulat na mahirap maintindihan. Naisip na baka siya ay maging isang abala lamang, si Ibarra ay nagpasya na umalis ngunit ito naman ay napansin ng matanda.
  • Magandang Araw ho, Mang Tasyo. Bakit ho kayo nagsusulat ng heroglipiko? Hindi po ba ay wala lamang rin ang makaiintindi nito?
  • Ito ho ay inaalay ko para sa susunod pa na henerasyon. Ito ay susunugin lamang ng pamahalaan kung ito man ay isusulat sa normal na wika.
  • Itinanong ni Ibarra kung sino ang kaniyang maaaring lapitan sa pagpapatayo ng kaniyang paaralan. Ito ay nagulat sa isinagot ni Mang Tasyo.
  • Naririto po sana ako upang tanungin kung sino ang mga maaari kong lapitan para sa aking ipinapatayo na paaralan.
  • Ang inyong gagawin ay pangarap ko rin. Ang pangarap ng isang kawawang baliw. Ang payo ko sa iyo ay huwag mo akong tanungin.
  • Si Ibarra ay tiyak na hindi inasahan ang sinabi ng matanda. Inakala niya na hindi ganito kadiskarte si Mang Tasyo at hindi rin naman niya nagustuhan ang ideya na magsinungaling na lamang sa lahat ng tao. Magkaiba ito sa kaniyang naiisip.
  • Kailangan pa ho ba bihisan ng kasinungalingan ang katotohanan? Ako ho ay may tiwala sa aking plano.
  • Sumangguni ka sa kura,kapitan ng bayan, at mga mamamayan. Papayuhan ka naman nila ngunit hindi sigurado na ikaw ay susunod. Magpanggap ka lamang at ipakita na ikaw ay naniniwala at sumusunod sa kanilang mga sinasabi
  • Inihayag ng matanda ang masakit na katotohanan kay Ibarra. Ang simbahan, pamahalaan, at mga mamamayan sa kaniyang sinilangang bayan ay hindi kailanman magiging madaling mapagkakatiwalaan. Si Ibarra ay lubhang nalungkot sa kaniyang mga narinig.
  • Masyadong makapangyarihan ang kura. Ang Pamahalaan ay siya namang kasangkapan lamang ng simbahan. Ito ay nakasandig lamang sa pader ng kumbento at babagsak kapag ito ay iniwan. Ang mga mamamayan ay mga pipi na hindi man lang makita ang sariling pagdurusa. Kararating ninyo lamang sa lupaing ito. Kayo ay walang lakas na panlaban sa kanila
  • Sa mga oras na iyon, si Ibarra ay nasa bahay pa rin ng matanda. Para bang napapawi ang mga nakatatakot na sinabi ni Mang Tayso sa kaniya kaya sinabi niya ito. Ngunit siya ay tinugon lamang ng hango sa aral ni Balagtas.
  • Kung ang isalubong sa iyong pagdating ay masayang mukha't may pakitang giliw, lalong pag-ingata't kaaway na lihim
40 मिलियन से अधिक स्टोरीबोर्ड बनाए गए
कोई डाउनलोड नहीं, कोई क्रेडिट कार्ड नहीं, और कोशिश करने के लिए किसी लॉगिन की आवश्यकता नहीं है!
Storyboard That फैमिली