Ang mga taong nakakalipad ay nagpapanggap bilang ordinaryong tao. Sila ay nagmula sa Africa at may maiitim na balat. Isang matandang lalaki na nagngangalang Toby at babaeng may ngalan na Sarah na may sanggol na anak na nakapasan sa kanyang likuran, ang nagtatrabaho sa palayan.
Ang kanilang tagabantay na madalas nakasakay sa kabayo ang nagpaparusa sa kanila sa pamamagitan ng paglalatigo kung sila ay mabagal kumilos. Ang dalang bata ni Sarah ay hindi matigil sa pag-iyak kaya naman naparusahan ng galit na tagabantay si Sarah pati ang kanyang sanggol na anak.
Ang matandang si Toby ang tanging naglakas-loob na tumulong kay Sarah na makaalis at makalayo mula sa kanilang kinaroroonan. Ang pag-sambit ni Toby sa makapangyarihang salita na galing sa Africa ang siyang dahilan upang makalipad si Sarah at ang sanggol upang tuluyang makalaya. Hindi makapaniwala ang mga nakakita sa nangyari, lalo na ang tagabantay.
Sa sumunod na araw ay patuloy ang pagtulong ni Toby na makalipad at makalaya ang mga alipin sa kamay ng tagabantay at sa lugar na kanilang kinaroroonan. Umiiyak si Toby sa kanyang napagmamasdang pagbagsak ng mga alipin.
Nakita ng tagabantay ang ginagawa ni Toby kaya inutos nito na bihagin si Toby. Natawa lang ang negro at sinabing, "Hindi niyo ba alam kung sino ako?" At muli niyang mahinang isinambit ang mahiwagang salita bilang pangako sa angkan ng itim.
Hiyawan at sigawan ang maririnig sa lugar, sabay-sabay ang paglipad ng mga alipin nang magkakahawak-kamay. Kasabay nila si Toby bilang tagagabay sa kanilang paglipad sa paroroonan.
Több mint 40 millió storyboard készült
Nincs Letöltés, Nincs Hitelkártya és Nincs Szükség Bejelentkezésre a Kipróbáláshoz!