Keresés

Unknown Story

Másolja ezt a forgatókönyvet
Unknown Story

Storyboard Szöveg

  • John, ang alam ko ay ikaw ang pinakamataas sa klase ninyo noong nakaraang baitang. May problema ba kung bakit sa unang pagsusulit niyo pa lang ay bagsak ka na?
  • O dahil hindi ka na sanay sa ganitong sitwasyon dahil sa pandemya? Sa mga gawain niyo rin, isa ka sa mgapinakamababa. May mali ba, anak? 
  •  Si-simula po noong nagkaroon ng pandemya… h-hindi ko na po sineryoso ang pag-aaral. H-hindi po totoo na magaling ako.P-pasensya na po, ma’am. Nagkaroon lang po ko ng matataas na grado dahil sa n-nakagawiang m-mangopya. Pasensya na po, ma’am.
  • Simula nang umamin si John, ginawa niya ang kanyang makakaya upang magkaroon ng kanais-nais na grado sa tamang paraan. Pinagalitan siya ng guro ngunit kalaunan, ang kanyang guro ay handang tumulong sa kanya sa kahit anong bagay upang hindi maligaw ang landas. 
  • Mahirap palitan ang isang nakagawian. Mahirap itong iwasan lalo na kung ito ay kailangan na kailangan. Tila ito ay tali na mahirap bitawan sa pag-aakalang ito ang maglalayo sa iyo mula sa kapahamakan. Ngunit ito ay isang sira-sirang magaspang na lubid na bibigyan ka ng mas malaking problema nang hindi inaasahan. Hindi tayo binigyan ng pagkakataon na makapag-aral para lang makakuha ng matataas na grado. Tayo ay nag-aaral upang tayo ay may matutunan na magagamit natin sa kahit anong aspeto ng pamumuhay sa mundo. Kaya naman, huwag kalilimutan na kahit ang kaisa-isang nakagawian ay makaaapekto sa iyong kakayahan at sa mundong may magandang patutunguhan. 
  • Nanatiling tahimik si John. Ngunit nang hindi niya matiis ang katahimikan, siya ay nagsalita. 
Több mint 40 millió storyboard készült
Nincs Letöltés, Nincs Hitelkártya és Nincs Szükség Bejelentkezésre a Kipróbáláshoz!
Storyboard That Family