Ma. Mikaella D. Bruce Storyboard Szerint eeee46ae
Keresés

Ma. Mikaella D. Bruce

Másolja ezt a forgatókönyvet
Ma. Mikaella D. Bruce

Storyboard Szöveg

  • Sa isang tahanan, naninirahan ang pamilyang Cruz. Si Aling Maria at ang kanyang asawa na pulis ay may dalawang anak na sina Ella at Faye. Bata pa lamang si Ella ay lagi na siyang tinuturuan ng kanyang nanay kung ano ang kahalagahan ng edukasyon na siyang susi sa tagumpay.
  • Una ay ang pag-aaral ng mabuti. Kung ang isang bata ay mag-aaral ng mabuti ay tiyak na magtatagumpay siya paglaki. Sa pamamagitan ng pag-aaral nadadagdagan ang kaalaman natin. Ito ang nagiging daan sa isang matagumpay na buhay at hinaharap.
  • Pangalawa, ay ang pananalig at pananampalataya sa Diyos. Sa pamamagitan ng pagdarasal araw-araw at pakikinig sa salita ng Diyos, nalalaman natin ang tunay na halaga ng bawat isa sa mundo. Isa pa, napapakinggan din tayo ng Diyos at natutulungan kung magdarasal at magsisimba tayo.
  • Pangatlo ay ang makatapos ng pag-aaral. Dahil sa pakikinig ni Ella sa kanyang mga magulang, pag-aaral ng mabuti at pananalig sa Diyos, siya ay nagtapos ng pag-aaral. Sa pamamagitan ng kanyang sipag at tiyaga ay makakamit na niya ang tagumpay ng kanyang buhay.
  • Kasunod ay ang pagkakaroon ng mabuting trabaho. Matapos makapag-aral ni Ella ay naghanap siya ng maayos at marangal na trabaho sa isang kumpanya. Nakatutulong din siya sa kaniyang pamilya at sumusuporta sa kanila.
  • Panghuli, di kalaunan ay nakabili si Ella ng kanyang bahay at sasakyan dahil sa kanyang pagsisikap. Nakamit niya ang tagumpay ng kaniyang buhay at naniniwala na ang edukasyon ang pinakamakapangyarihang sandata na magagamit natin upang baguhin ang ating buhay at mundo.
Több mint 40 millió storyboard készült
Nincs Letöltés, Nincs Hitelkártya és Nincs Szükség Bejelentkezésre a Kipróbáláshoz!
Storyboard That Family